Kabanata 16: Anunsyo

2.3K 82 0
                                    

Kabanata 16: Anunsyo

Maria Fabiana Fujiwara

Ilang linggo na rin ang makalipas at palagi pa rin kaming nagbabangayan ni Lucas. Hindi na rin ako nakakatanggap ng pizza dahil nalaman ni Lucia na hindi na kami naglilinis ng banyo. Ang evil. Tapos nasanay na rin ako sa kahanginan at kasamaan ni Lucas. Bumibisita din paminsan-minsan si Gian at siyempre, dagdag pogi points 'yun sa akin lalo na't naging mabait siya sa akin. At ngayon, sina Mom and Dad naman ang bumisita dito sa bahay. Ewan ko kung bakit ngayon lang 'to.

"Anak! Kumusta ka na? Inalagaan ka ba ng mabuti nitong si Lucas?" Bungad kaagad ni Dad at hinalikan ako sa noo.

Ganoon din si Mom sa akin pero muntik ko pa siyang mabatukan sa bungad niya sa akin. "Ano, kumusta ang baby?" Hinimas niya pa 'yung tiyan ko.

Si Lucas naman ay napatawa, maging si Dad. Mukhang magkakasundo ang dalawa'ng 'to.

"Mom, ano ba'ng pinagsasabi mo. Nasa iisang bahay lang po kami ni bak—Lucas, hindi po ibig sabihin 'nun ay magkaka-baby na." Sambit ko kay Mom at pinaupo sila'ng dalawa ni Dad sa salas at pinaandar 'yung TV. Nilingon ko si Lucas, "Lucas, paki-timpla naman sina Mom at Dad ng juice. Bumili ka nalang sa grocery store." Nginitian ko siya ng matamis.

Napangisi nalang ako sa kaloob-loobsn ko. Hah! Ako ang boss ngayon, Lucas!

* * *

Lucas Caleb Aragon

Namumuro na'tong chaka'ng 'to ah! Porque't nandito sina Tita at Tito, inuutus-utosan lang ako? Hmp!

Pumunta din naman kaagad ako sa grocery store at saktong papalabas na ako na may dala'ng isang pack ng malaki'ng juice para hindi na magpabalik-balik dito kung sakaling iinom sa susunod nang may tumawag sa cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ito at sinagot ko na agad ang tawag.

"Lucas." Sambit ng isang pamilyar na nakakatakot na boses.

Kaagad akong nanginig at muntik nang mapaihi, buti nalang at napigilan ko dahil isang malaking kahihiyan sa angkan ng mga Aragon ang isang Lucy Caleah Aragon na nakaihi sa sidewalk.

"L-lolo." Nabigla ako dahil hindi tumatawag itong si Lolo unless may importante siyang sasabihin.

"Apo, pupunta na kami diyan sa bahay niyo." Napalunok kaagad ako sa sinabi niya. Bakit kasi sasama siya? 'Tsaka bakit sila pupunta?

"L-lolo." Hindi ko mapigilang kabahan.

"Kami'ng lahat pupunta diyan dahil may... pag-uusapan lang tayo." Sa tingin ko ay nakangisi ngayon itong si Lolo. Bakit parang kinakabahan ako sa pag-uusapan namin?

"L-lolo—"

"Lucas! Isa pa'ng Lolo at tatanggalan kita ng mana."

"Lolo—" napatakip ako sa bibig ko. "Naman eh. Tinatakot mo pa ako." Tumawa pa ako ng payak pero wala akong narinig na tawa galing sa kanya.

Oh noes! "Hindi ako nagbibiro, Lucas."

"Sabi ko nga. Ah, sige po. Punta na po kayo dito." Sambit ko at kaagad na pinatay ang tawag.

Nakahinga na ako ng maluwag at bumalik kaagad sa bahay at nagbihis ng desente. Nagtimpla na rin ako ng juice tulad ng utos ni chaka. Nakakainis. Bakit kailangan ko siyang sundin? Ayoko din naman siyang suwayin. Kaloka. Ako'y nalilito na. Jusque.

"Lucas?" Tanong ni chaka sa akin nang makita niya akong nakasuot ng pormal habang nilalahad sa kanila ang juice. Si Tito ay todo ngiti sa akin.

Nilingon ko si chaka. "Ikaw nalang ang kumuha kung gaano karami ang gusto mong juice." Nakangiti kong sabi pero sa kaloob-looban ko ay binabatukan ko na siya.

Umismid lang siya sa akin at uminom ng juice pero muntik na siyang mabilaukan nang biglang bumukas 'yung pinto.

"Surprise!!!" Sigaw ni Mommy habang nakataas ang dalawang kamay.

"Tita?" Takang tanong ni chaka at inilapag ang kanyang baso ng juice.

Kaagad siyang kumuha ng ilan pang baso at nilagyan iyon tsaka binigay sa mga bagong dating.

"Ano'ng ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Ito kasi'ng si Lolo mo, may gustong sabihin at pag-usapan." Sabi ni Mommy kaya napaupo kami'ng lahat at nanatiling tahimik habang hinihintay ang sasabihin ni Lolo.

"Una sa lahat, gusto kong kumustahin kayo. Mabuti lang ba ang pakikitungo niyo sa isa't-isa?" Tanong sa amin ni Lolo kaya tumango kami'ng dalawa ni chaka. "Natulog ba kayo sa iisang kwarto?" Istriktong tanong pa din ni lolo kaya kahit ayaw naming sabihin ay tumango nalang kami. Pero ha! Wala kaming ginagawa, mga utak niyo'ng berde, please lubayan niyo ang isang Lucy Caleah Aragon. "So kamusta na ang apo sa tuhod ko?" Tanong ni lolo kaya binuo kami ng nakakabinging katahimikan. Woah, I didn't see that coming. Hindi ko inaasahan ang pagtatanong ni Lolo nang ganun kaya nasigawan ko na naman siya.

"Gag—wapo 'to si Lolo oh." Tumawa ako kaya nakisali na rin si chaka sa fake laugh namin hanggang kaming lahat ay tumatawa na sa walang kadahilanan maliban kay Lolo.

"Lucas, I'm serious here."

"I'm serious too." Bulong ko pero yumuko ako. "Sorry po lolo." Nilakasan ko yung boses ko. "Hindi naman po kami ano... gumawa ng... ano... ng b-baby. He he he." Ang awkward lang ng tawa ko dahil ayoko sa ganitong paksa. Nakakainis, paano kung mahuli nila ako na kaya hindi kami nakagawa ng baby dahil bakla pala ako?! Oh noessss!

"Oh, I hope I'll have more grandchildren soon." Sabi ni Lolo at tumawa kaya natahimik naman kaming lahat. "So kapag ako hindi tumatawa, tumatawa kayo. Kapag ako ang tumatawa, nagiging tahimik kayo? Ang bad niyo." Sabi ni Lolo kaya nag-fake laugh nalang kami'ng lahat.

"Lo, ano po'ng pag-uusapan natin?" Tanong ko at napalunok nalang.

* * *

Maria Fabiana Fujiwara

"Lo, ano po'ng pag-uusapan natin?" Rinig kong tanong ni Lucas. Dinig na dinig ko 'yung paglunok niya ng laway kaya napatawa ako ng bahagya pero hindi nawala ang kaba na nararamdaman ko. Shemay. Nacu-curious ako kung ano ang pag-uusapan at kailangan pa talagang kumpleto kami dito.

Aagawan na ba kami ng bahay?

Uuwi na ba kami sa kani-kanilang tirahan?

Paghihiwalayin na ba kami ni Lucas?

Pero parang nakakalungkot naman itong isipin. Pero kung ito nga talaga ang desisyon nila, wala na kami'ng magagawa. Hay!

Teka! Ako? Nalulungkot dahil paghihiwalayin na kami ni Lucas? Hah! Asa siya, mas magiging masaya nga 'yun! Sa wakas makakahanap na ako ng tunay na lalaki. Tunay na forever ko.

"We'll throw an engangement party thw day after tomorrow." Pahayag ni Lolo kaya natahimik kami'ng lahat.

"A what?" Tanong ko ulit dahil parang ayaw pumasok sa isip ko ang sinabi niya.

"I don't like repeating myself. But yes, you heard me right. We'll throw an engangement party the day after tomorrow for you, Maria Fabiana and Lucas." Sabi ni Lolo kaya parang nahulog nalang 'yung utak ko palabas ng ulo ko at paramg nablangko 'yung pag-iisip ko.

Ii-engange na kami ni Lucas sa susunod na araw?! Omo! I don't know what to feel.

Teka, am I having doubts?!

Siyempre, dapat maglupasay ako dito sa lungkot. Hindi ako dapat maging masaya dahil sa kadahilanang ii-engange na kami ni Lucas.

There's no way I'm going to be happy with him. Over my sexy dead body.

Ang Boypren Kong BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon