1 : The Badboy

4.3K 110 14
                                    


Sophia's POV

Naglalakad kami ngayon ni Ayena pabalik sa room namin.

"Alam mo, ang gwapo talaga ni Nathan kahit kelan!" Sigaw ni Ayena.

"Shh. Ayena naman. Nakakahiya talaga. Maraming tao oh." Sabi ko. "Okey." At napatigil na din siya.

Habang naglalakad kami ay napansin namin na napalingon samin yung mga ka-grupo nina Nathan.

"Ayena, bilisan mo ang paglalakad mo." Sabi ko. Andito kami ngayon sa locker para kunin ang mga gamit namin.

Nung ilalagay ko na sana ang mga gamit ko ay may biglang sumara nito at hinawakan ang mga balikat ko.

Hinarap niya ako sakanya at pinasandal niya ako sa locker ko.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko. It's him again.

"Hey, it's you again." Sabi niya. "Ano ba naman ang kailangan mo?" Tanong ko sakanya na parang galit.

"Wow easy ka lang. Wala naman akong kailangan sayo eh. Pero isa lang din naman ang hihingin ko sayo." Sabi niya.

Lumapit siya sakin saka siya bumulong sakin. "Be my girlfriend." Sabi niya.

Sabi ko nga na maaabot din naman ang time na 'to eh. Yung gagamitin niya naman ako.

"Paano kung ayoko?" Tanong ko kaya napalayo siya sakin. Napataas siya ng kilay.

"Pipilitin padin kita." Sabi niya ulit. "Oh, gusto mo ba?" Tanong niya ulit. "Oo na! Oo na! Pwede ba? Bitawan mo na nga ako!' Sabi ko kaya binitawan niya na din ako.

Kinuha ko agad yung mga gamit ko sa locker. "Ang tibay mo talaga, bro." Sabi nung mga kaibigan niya.

"Habulin ng chicks!" Sigaw nung isa sakanila. "Tse! Magsama-sama kayo! Mga panget!" Sigaw ko sakanila sabay talikod.

------

Nakaupo ako ngayon at malalim ang iniisip. "Are you okey, Ms. Garcia?" Tanong ni Ms. Veloso.

"Ah, yes, Maam. I'm okey." Sabi ko habang nakangiti. Tumango na lang siya saka nagleksyon ulit.

Mabuti na lang at mabait 'tong si Maam. Kung hindi baka kanina pa ako pinagalitan kung bakit hindi ako nakikinig.

Tinignan ko si Nathan sa upuan niya at napansin kong nakatingin siya sa bintana. All the time.

Iniwasan ko lang siya ng tingin sabay pokus na lang sa leksyon. Baka wala naman akong malaman.

--------

"Class dismiss." Saka kami nagsitayuan saka inayos ang mga gamit namin.

"Ah, Sophia. Una na ako ah. May emergency kasi eh." Sabi ni Ayena.

"Ah, sige na. Okey lang. Mag-iingat ka!" Sigaw ko nung pupunta na siya ng door.

"Thank you!" Sigaw niya atsaka umalis na siya. Ako naman ay inayos ko na yung mga gamit ko.

Sa wakas at makakauwi na ako. Hayss. Nakakatamad kasi eh.

Nung kinuha ko yung bag ko ay may humawak naman ng kamay ko.

Napalingon agad ako sakanya saka ko ito binitawan. "Hoy, panget! Wag mo ngang hawakan ang kamay ko! Nakakadiri!" Sigaw ko  sabay kalas sa paghawak niya sakin.

"Eh bakit nadidiri ka? Eh girlfriend nga kita eh." Sabi niya habang nakangisi.

"Girlfriend?! Excuse me, kahit kelan hinding-hindi kita magiging boyfriend! At ayaw ko yun mangyare!" Sigaw ko sakanya sabay labas ng room.

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon