24 : Why am I hurting this way?

552 33 1
                                    


Sophia's POV

Di ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon.

S-sya ba s-si.....

Hindi.

Imposibleng sya yun. Pero ganun naman di ba?

Sya yung unang nagpatibok ng puso ko at sya rin ang unang sumira ng puso ko.

Pero mas imposible kay Niel. Sya yung unang nagpatibok ng puso ko at hindi yung lalakeng yun.

Pero ang tanong. Sinaktan nya ba ako?

"Huy!"

Nanlaki ang mga mata ko kaya napalingon agad ako kung saan nanggaling yung boses na yun at nakita ko sa harapan ko si Niel.

"Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka parin. Tara na. Punta na tayo sa cafeteria. Tayo na lang ang nandito."

Napalingon ako sa paligid at tama nga sya. Kami na lang ang nandito.

"Tara?" Tanong nya kaya napaharap ako sakanya at tinignan yung palad nya.

Ngumiti lang ako saka ko pinatong yung palad ko at tumayo at tatakbo sana ako kaya lang nabigla ako nung bigla nya akong hinila palabas ng room habang mabilis na tumatakbo.

"Tara!"

"Wait!--Sandali!!"

------

Hingal na hingal akong nakatayo. Eh paano ba naman yan. Mula 3rd floor hanggang sa ground floor ako hinila ni Niel.

Ngayon, nakatayo ako sa harapan ng mga girls ko na pawis ang mukha ko.

Parang may tinitignan sila sa baba. Ano kaya yun?

"Uy! Ano yan ha?" Tanong ni Ayena na parang may halong asar.

"Anong ano?" Nagtataka kong tanong. Nakita kong ngumuso sya sa baba kaya napatingin ako dun.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang napansin kong nakahawak kamay pala kami ni Niel.

Ano ba kasing pumasok sa utak ko na hawakan yung kamay nya?

At bakit hindi nya napansin agad yun?

"O-oy, ano na?" Tanong ko sakanila sabay upo sa tabi ni Ayena.

Yun pala ang tinititigan nila kanina pa. Namula tuloy mukha ko nung naalala ko ulit yung kamay nya.

Infairness pero ang lambot ng kamay nya. Napailing agad ako sa naisip ko at mas lalo pang namula ang mukha ko.

"Oh? Anong nangyare sayo, Niel? Tatayo ka lang ba dyan? Tara na. Tabihan mo na si Sophia oh. Kawawa naman sya. Walang katabi."

Napaangat agad ako ng tingin at tinignan si Ayena at lumayo sya sakin at tumabi kay Jane.

Namula yung mukha ko at napayuko ulit at napapikit ako ng mariin.

Ano naman ba ang gagawin mo sakin Ayena?!

"Ah, w-wag na. D-dito na lang ako kay Denise." Napaangat agad ako ng tingin habang namumula yung mukha ko.

Nakita kong uupo sana si Niel sa tabi ni Denise pero tinulak nya ito kaya napaupo sya sa tabi ko.

Mukhang nabangga nya ako. Andun lang kasi sa right ko si Denise.

Napayuko kaming dalawa ni Niel sa hiya. Eh paano ba naman yan eh!!

Nakakainis na nakakahiya!!!!!!!

"Pfftt! Hahaha!"

Napaangat agad ako ng tingin nung narinig ko silang tumawa na apat.

"O-oh? Bakit? Anong nakakatawa?" Nauutal kong sabi.

"Eh ang cute nyo kasing dalawa eh!" Sabi ni Ayena saka nila ako inasar.

Napayuko lang ako sa sobrang hiya na nararamdaman ko.

"A-aalis na nga ako dito kung inaasar nyo lang ako!" Sigaw ko sakanila at tumayo at tumakbo palabas ng cafeteria habang nakatakip yung dalawang palad ko sa mukha ko.

Bakit ko ba kasi hinayaan na kunin nya yung kamay ko?

Ikaw ang pumatong ng sarili mong kamay, Sophia!  Depensa ng utak ko.

Aissh!! Hmm!! Nakakainis!

Kasalanan mo kasi lahat ng 'to kamay--

*blag*

Napaupo agad ako sa sahig nung may bumangga sakin--ay este binangga ko pala.

Napahawak agad ako sa likod ko atsaka may narinig na bulungan.

"Hala! Ang reyna natin natumba!"

"Tara tulungan natin girls--aray! Bakit mo ba ako binatukan!"

"Shunga! Andyan si Nathan oh!"

"Ay oo nga pala."

Napaangat agad ako ng tingin at nakita ko nga si Nathan sa harapan ko.

Sobrang seryoso ng mukha nya. Mukhang nakakatakot.

"Tsk. Palibhasa kasi hindi tumitingin sa daan. Eh paano kasi yan, nakatakip ang buong mukha habang tumatakbo?"

Narinig kong tumawa yung mga estudyante na nakapalibot na pala samin ni Nathan.

"Tss..tumayo ka nga dyan. Nagmumukha kang tanga sa ginagawa mo."

Natigilan ako sa mga narinig ko galing sa mga bibig nya.

"Tumayo ka na dyan! Wala namang tutulong sayo. Nagmumukha ka lang tanga."

At gaya nga nung sinasabi ng utak ko. Tumalikod na sya sakin.

Pero may isa akong kakaibang nararamdaman..

B-bakit mukhang galit si Nathan sa akin?

At bakit pakiramdam ko bumalik na naman ako dati nung pinagbubulungan ako nang mga estudyante sa buong Twixx Academy?

Bumalik na ba yung dating ako?

Pero paano?

Paano yun bumalik sa isang iglap lang?

Dahil ba yun kay Nathan?

O dahil sa naging tanga na ako ngayon na nakasalumpak sa sahig?

Ano ba talagang nangyare sakanya at bakit seryosong seryoso na sya ngayon?

Na para bang hindi nya ako kilala...

Na bumalik naman sa dati nung pinagtritripan nya ako.

Na mukhang sobra na nya akong nakalimutan sa nakaraan namin...

Pero bakit ganun?

Bakit ako nasasaktan?

------

A/N : I'm sorry for the late update and sorry kung maiksi lang ang UD.

At ano na pala ang nangyare kay Sophia? Bakit nga raw sya nasaktan?

Abangan!!

Please leave it a comment and a vote pls!

Kung ayaw nyo, wag na lang po. Di ko naman po kayo pinipilit.

Annyeong SLYers!!

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon