30 : Palalabs?

531 40 0
                                    


Sophia's POV

"Ba't ayaw nyo akong pinapapasok dyan sa gym? Ano bang meron dyan?" Sunod na sunod na tanong ko.

"Bawal ang mga maganda dito--"

"Bakit? Maganda ka naman di ba?"

Napaiwas sya ng tingin at ginalawa-galaw ang ulo nya.

"Well, except lang sakin. Ay except pala sa~" Sabi nya habang nag-a-aksyon na parang may bigote.

Napatawa ako ng mahina pero sandali lang at nagsalita sya.

"Ay basta!!" Sabi nya sabay padabog na lumingon sa likuran nya at parang may sumigaw, di ko lang narinig kasi ang lakas ng music. Sinulip ko yung gym pero maliit lang kasi tinatakpan ni Ayena para hindi ko makita at may nakita akong.....

Balloons?

"Anong--"

Napatigil ako sa pagsalita at tinignan ang mukha ni Ayena na kakaharap palang at nagsalita.

Pero bago pa ako makapagsalita, naunahan na nya ako.

"Ah..."

Awkward.....

"Ah....ba-bye!! Go go go na!! Hinahanap ka na ng baby loves mo!!" Sabi nya habang pilit na pinapaalis ako.

"Teka! Sinong baby loves--"

"Edi 'yang Nathey baby mo!!"

"Hoy hindi--"

*blag*

Natumba ako..

Pero bago pa yan, sinalo ako nung lalakeng bumangga sakin.

Kaya nakita ko ng malinis yung mukha nya.

Nanlaki agad ang mga mata ko nung nakita ko ng maayos yung mukha nya.

Nasa gano'n kaming position nang may biglang umubo.

"Ehem ehem.."

Parehas kaming nanlaki ang mga mata kaya napatayo agad kami ng maayos at hinarap si Ayena na naka krus ang dibdib habang nakangiting-aso habang nakatingin samin.

"Mukhang bagay parin kayo ah?"

"A-ayena naman!!"

Nagtitigan kami pareho ni Nathan at sabay namula pero umiwas agad ako ng tingin at ganun din sya.

Napatawa si Ayena pero madali lang saka tinignan si Nathan atsaka nagsalita.

"Sige na. Iuwi mo na 'yang palalabs mo."

"Pa..palalabs?" Utal utal na sabi neto.

"Oo!"

"Tsaka idala mo pala 'yang palalabs mo paalis, I mean." Dagdag nya pa.

Sandaling katahimikan..

"Oh? Ano na? Go go go na! Shu Shu!!" Sabi nya habang tinataboy kami paalis.

Lumakad kami kaunti palayo kay Ayena at tumalikod na rin ito.

Napakunot ng noo si Nathan at napatingin sakin. Napatingin na rin ako sakanya pero nagulat ako nung nagsalita sya.

"Tara na nga."

Nanlaki ang mga mata ko nung hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako kung saan.

----

"Hay! Na-miss ko dito." Tsaka sya humiga sa ilalim ng puno.

Dinala nya ako sa likod ng gym yata?

Tinignan ko lang sya na nakahandusay sa damo at nakatakip yung mga braso nya sa isang mata nya.

Nagulat ako nung tinanggal nya yung braso nya at tinignan ako kaya napaiwas agad ako ng tingin, hawak hawak ko yung dibdib ko.

Ano ba naman, puso?

"Di ka pa ba uupo?" Tanong nya kaya napalingon ako sakanya at napatingin ako sa damo.

"Nag-iinarte ka na naman ba tulad ng dati?" Napaangat ako ng tingin sakanya.

Nakataas-kilay naman sya kaya sinamaan ko sya ng tingin kaya padabog akong umupo sa tabi nya.

Napatawa sya.

Naalala ko tuloy nung dati. Nung sinabi nya yung nararamdaman nya para sakin.

"Di ka pa talaga nagbabago ano?"

Napairap ako kahit na hindi naman nya nakikita.

"Excuse me? Ako lang? Eh ikaw nga naman eh!!"

"Ah! Talaga?" Sarcastic na sabi nya.

"Oo!" Sabay lingon ko sakanya.

Pero nagulat ako nung ang lapit pala ng mukha nya sa mukha ko.

At napansin ko rin na nakatingin lang sya sa mga labi ko.

Pero di na nya pinatagalan pa kasi hinawakan nya agad yung baba ko at mas linapit pa yung mukha nya sa mukha ko.

Nakapikit na sya ngayon ng biglang...

*kring..kring*

Napamulat sya at lumayo sakin at bumulong.

"Tsk. Panira ng moment."

Namula yung buong mukha ko at tumayo na at sya naman ay sinagot na yung tumatawag sakanya na panira raw ng moment.

Pinagpag ko yung palda ko at hinintay na lang na matapos ang pagtawag nila ng tao na yan.

"Halika na."

Sabay hawak sa wrist ko kaya nagsalita agad ako.

"Teka, san tayo pupunta--"

"Basta."

----

"Aanhin ko yan?" Tanong ko.

"Itatakip sa mga mata mo. Saan pa kaya yan ilalagay?" Masungit na sabi nya.

Napasimangot ako at padabog na kinuha sa kamay nya yung pantakip raw sa mata at ilalagay ko sana pero nagulat ako nung hinawakan nya yung kamay ko at kinuha sakin yung pantakip.

At nagulat ako nung sya na yung tumakip ng pantakip sa mga mata ko.

"Okey na?" Tumango ako at nagulat ako nung hinawakan nya yung kamay ko para gabayin ako paglakad.

Narinig kong parang may binuksan si Nathan na pintuan.

"And...here we go.." Saka  tinanggal nya sakin yung pantakip.

Saka parang may sumabog na kung ano.

Napangiti ako at napaluha sa nakikita ko ngayon.

-----

A/N : Thank you for 400+ reads and 50+ votes! A big thank you po, SLYers!!!

And thank you rin sa mga nag-add neto sa kanilang mga reading list at sa isa ko pang story.

Kanshamnida SLYers!!










Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon