23 : I love you so much, my Bae

617 30 2
                                    

Hello SLYers! I'm back!
So sorry kung pinahintay ko kayo!

Anyway, maaga po kaming umuwi kaya makaka-UD na ako. Yehet!

And late merry christmas!

So ito na po yung UD ko. At bukas na naman ako makaka-UD. So pls read.

Sophia's POV

"Ano na ang balak mo, bes? May balak ka bang isabi sakanya yung nararamdaman mo?" Tanong ni Ayena.

Natigilan ako sa pagkain. Lahat sila nakatingin lang sakin.

"Kung wala. Okey lang. Ako na lang ang magsasabi."

Nanlaki ang mga mata ko. "Waag!" Napatawa tuloy silang apat sa reaksyon ko.

"Natatakot kasi ako. Na baka wala na syang natitira na pagmamahal sakin." Sagot ko habang nakayuko.

May naramdaman na lang ako na may tumapik sa balikat ko.

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Jane. Napansin ko rin na nakangiti sya.

"Okey lang yan, Sophia. Sabagay, tama ka. Wag mo munang madaliin ang lahat. Kasi pag nalaman mong nagmamadali ka, duon ka lang magsisisi."

Sabagay may point sya. Mabuti na lang at may magaling mag bigay ng advice dito sa group namin.

Napangiti tuloy ako. "Thank you, Jane. Di ko parin alam kung ano na ang gagawin ko. Sana pakinggan nya ako sa tamang panahon. At sana, wag nya akong iwan."

Napangiti silang lahat sa sinabi ko.

Sana nga lang pakinggan nya ako o kaya naman wag nya akong iiwasan kapag nalaman nya yung nararamdaman ko sakanya.

Sana

------

Nung andun na kami sa school ay pumasok na kami sa room namin.

Pagkabukas ko ng pinto ay unang humarap sakin ay isang lalake.

"Niel!" Sigaw ko dahilan para sa amin yung atensyon ng lahat. Di ko na lang sila pinansin.

"Nasaktan ba kita? Sorry na. Di ko sinasadya. Paano ba naman kasi yan eh. Aga aga andyan ka sa harapan ng pintuan. Eh paano kung may makasakit sayo--nasaktan ka na pala."

Alalang tanong ko sakanya. Tinitigan ko lang yung ilong nya na namumula sa pagbangga ko sakanya.

"Okey lang. Hindi naman masakit." Sabi nya sabay alis ng hawak sa ilong nya.

Unti-unti kong inangat yung tingin ko mula ilong hanggang sa mga mata nya.

Nakangiti sya ngayon. Di ko alam pero biglang uminit ang pisngi ko.

At ito namang baliw kong puso. Nagwawala na naman sa mga ngiti nya. At parang lalabas na ito sa sobrang tibok.

*tik!*

Natauhan ako ng may narinig akong pitik.

At dun ko lang nakita na may mga daliri na pala sa harapan ko.

Napaangat ako at tinignan yung itsura nya.

"Sophia! Okey ka lang? Huy!" Sabi nya habang pitik ng pitik ng mga daliri nya sa harapan ko habang nasa ere.

Napatakip ako ng bibig at dun natawa. "Oh? Natawa na lang bigla. Baliw ka na ba?" Sabi nya.

Napatigil ako at sinamaan sya ng tingin. Ngayon sya naman yung natawa.

Sinamaan ko lang sya ng tingin pero tawa lang sya ng tawa.

Di ko na napigilan kaya hinampas ko sya sa braso nya.

Someone Like You || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon