WL 1

6.5K 152 698
                                    

WL 1 : Her Life of Innocence (P1)

"Who said they didn't have any treasure?  The innocence of your childhood were memories you can treasure that no one can steal from you."  Eiramana325 (WL1)

"  Eiramana325 (WL1)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


You's POV

Kasalukuyang maulan ngayon. Siguro ay may bagyo na naman. Pero wala akong pakialam kung may bagyo man, basta masaya ko at nanginginain sa paborito kong lugar.

"YOUUU--" narinig kong sigaw ni Yaya Eva. Hindi ako tuminag sa kinalalagyan ko. Tanaw ko siya na naka-kapote at salakot pa. Natawa ako sa itsura niya. Ginaw na ginaw si Yaya, hindi naman malamig ang ulan. Ayaw mabasa!

Nang matapat siya sa kinaroroonan ko ay niyugyog ko ang sanga na tinatapakan ko. Dahilan para magbagsakan ang mga sobrang hinog na bunga ng bayabas. Nabagsakan sa salakot si Yaya.

Tumingala siya sa puno at tinawanan ko siya nang malakas dahil tinamaan siya ng isang bayabas sa ilong niyang lalong nasarat.

"Napaka-barakita mo talagang bata ka! Bumabagyo na nag-aarambaras ka pa d'yan sa puno!" naggagalit-galitan sabi niya pero halata naman ang pag-alala sa maamo niyang mukha.

"Pulutin mo na lang po ang mga bayabas... pang-pangat po 'yan sa ayungin na paborito ni Abuelo," sabi ko kay Yaya at umakyat pa sa may mataas na sanga at saka niyugyog ito para magbagsakan ang mas marami pang hinog na bunga.

"Ipinatatawag ka ng Abuelo mo at may panauhin tayo." Nakatinga siya sa akin. "Naku! Kumapit kang mabuti at baka mahulog ka!" May inaabot kasi kong manibalang na bunga na medyo nasa bandang dulo kaya sa payatot na sanga lang nakakapit ang aking kaliwang kamay at payat din ang tinatapakan kong sanga.

"Matibay po ang sanga ng bayabas. Hindi basta-basta nababali," nakuha ko pang isagot habang kanda haba ang braso ko sa pag-abot sa bunga na gusto ko.

Napatili si Yaya dahil muntik na kong mahulog pero natuwa naman ako dahil nakuha ko ang bayabas na puntirya ko. Agad ko itong kinagat. "Ang tamis at ang lutong! Tingan n'yo po, Yaya - kulay pink ang loob!"

"Susmaryosep kang bata ka! Pinakakaba mo ko! Bumaba ka na!" Ngumunguya pa kong tumalon mula sa sangang tinatapakan ko.

"Ano ba 'yan suot mo? Susmarya! Napaka-iksi ng short mo." Nag-sign of the cross pa si Yaya. Napanguso ako sa tinuran niya. Hanggang gitna nang mabibilog kong hita ang short kong maong. Hindi naman ito maiksi ah.

"Siyempre naman, Yaya. Alangan naman mag-gown po ako sa pag-akyat ng puno?" pamimilosopo ko. "Kung pagtalon ko po sumabit pa 'yon - eh 'di, para na naman po akong eroplanong lilipad-lipad diyan sa sanga."

Wet LinkWhere stories live. Discover now