WL 2

4.5K 125 520
                                    

WL 2: His Life of Wickedness (P1)

"Enjoying life to its fullest might be fun and satisfying but do you really need to live a wicked life?" - Eiramana325 (KX2)

"Enjoying life to its fullest might be fun and satisfying but do you really need to live a wicked life?" - Eiramana325 (KX2)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seth's POV

"Welcome to Sin City, Bro! Where everyone can do whatever they wish!" malakas at masiglang sigaw ni Coen habang tinatahak namin ang Las Vegas Boulevard o mas kilala sa tawag na Las Vegas Strip.

Sakay kami ng bagong modelo ng BMW Z4 Roadster niya na kulay royal blue at convertible ito kaya nakatago ang roof nito. Siya ang sumundo sa akin sa airport at bago ko ihatid sa apartment ay idinaan muna ko dito sa matao at maingay na Las Vegas Strip.

Alas nuebe y medya na ng gabi pero marami pa rin ang taong naglalakad. Buhay na buhay pa rin ang kahabaan ng kalsada na ito. Mas maganda nga raw maglakad dito paggabi para hindi na gaano mainit lalo na pag ganitong July.

Para ka raw nasa pugon sa sobrang init sa tanghali. Mas mainit pa kesa sa Pilipinas. Kung sabagay, disyerto ang lugar na ito.

"How can you afford this luxury car? Is this just from car rental?" Ang gara kasi ng sasakyan niya. Napapatingin sa amin ang mga drayber ng ibang kasabayan namin sasakyan.

Kaklase at kaibigan ko si Coen sa Canada. Pero hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil lumipat siya dito sa Las Vegas isang taon na ang nakakalipas para magtrabaho na lang. Hindi na rin kasi niya afford ang halaga ng tuition fees. Wala nga siyang sasakyan sa Canada kaya nagtataka ko at ang gara ng kotse niya dito. The costs of this convertible if I'm not mistaken is more than fifty thousand US dollars.

"It's mine, Bro. Mine," he said arrogantly and a mischievous smirk flashed on his lips.

"Seems that you really got a great job here. So, maybe you can tell me now, what kind of job you have for me?" I said while gazing upon the luxurious view outside the window.

Siya ang nagyaya sa akin na dito magtrabaho dahil mabilis daw ang kita. Ayaw naman sabihin kung ano ang trabaho niya.

Katatapos ko lang ng kursong Business Administration. Engineering sana ang gusto ko pero BA ang pilit na ipinakuha ni daddy. Napagtiyagaan ko kahit labag sa balum-balunan ko.

"Relax, bro. I'll show you tomorrow. My manager is already waiting for you." Isang makahulugang ngisi na naman ang ipinukol niya sa akin saglit at balik tingin sa daan.

"I just hope, it isn't illegal like drugs." Kahit may pagkarebelde akong anak. Hindi naman ako nagdi-drugs and I don't want to be involved in such a crime.

"Oh no, bro! You know that I hate drugs." Medyo naging seryoso ang itsura nito dahil sa usapan namin. Oo nga pala, napatay dahil sa drug campaign ang kuya niya last year noong umuwi ito sa Pilipinas. Ewan, napagkamalan 'atang adik o pusher. Sila lang dalawa ang nasa Canada at iyon din ang tumutulong sa kanya sa pag-aaral.

Wet LinkWhere stories live. Discover now