Blood [3]

783 37 0
                                    

Arah' Pov...

Mabilis natapos ang mga naunang subject at recess na ngayon at sa araw araw na binigay nang Diyos saamin na nanuluyan kami dito sa school na ito as usual nakatakip ang mga libro sa mga mukha namin dahil na rin sa pamboboso este pagpapantasya namin.

"Tignan mo si Ren titigin mo lang siya nang matagal, mapapansin mong..." di niya natuloy yung sasabihin niya.

"Anong mapapansin ko?" Takhang tanong ko.

"Na walang nagbabago sa mukha niya hihi alangan naman titigan mo siya tapos magmukhang Jungkook yan aba di naman pwede yun hihi." Abnormal talaga. "Nagugutom na ko," napatingin naman ako sa kanya.

"Wala ka bang dalang pagkain?" Tanong ko.

"Wala eh naiwan ko,"

"Ay engot."

Di talaga kami nabili dito sa canteen ng university. Bakit? Dahil kahit biscuit palang ginto na. Ang teknik namin dadamihan namin yung luto sa umaga para may baon na rin kami. O kaya sa labas kami bibili para mas mura.

"Wala ka bang pera d'yan?" Tanong ko ulit.

"Wala din,"

"Psh ano ba yan?" Naglabas ako ng 50 pesos at inabot ko sa kanya. "Bumili ka muna dun," kinuha niya naman yung pera tsaka dumiretso sa bilihan.

Hayss kailangan ko nanamang dumilehensya para magka pera. Paubos na rin kasi yung pera ko.

Bumalik na si Jane na may dalang pagkain.

"Gusto mo?" Tanong niya.

"Hindi na,"

Pagkatapos niyang kumain ay umakyat na kami sa room ngunit may naalala ako.

LINTEK MATH NANAMAN

Dumating na ang Prof.

"Get one whole yellow pad paper we will have our major quiz right now,"

Phew. Buti nalang hindi bukas. Kasi kung bukas malayo nanaman sa topic ang mga tanong. Abnormal kasi yan.

Napatingin naman ako kay Zed pero di ko inaasahan na nakatingin siya sa'kin. Pero mas hindi ko inaasahan NGINITIAN NIYA KO.

Kyahhhh.

Binigay na ni Lintek ang test paper at nagsimula na akong mag sagot.

"That was one to one hundred quiz, passing is 80 but you," turo niya sa'kin. "Your passing score is 95,"

Wtf

"Hala serr,"

"Anong hala serr?"

Di nalang ako sumagot. Gunggong na teacher na ito.

Nagsimula na akong mag sagot.

Pag ako talaga nakapasa sa major quiz mong gunggong ka humanda ka talaga sa'kin.

Lintek akala mo ang dali dali nang subject niya. Di naman lahat magaling sa subject niya lintek na teacher ito.

Medyo nahirapan ako sa test kaya naman di pa rin ako tapos.

Isang tanong nalang ang sinasagutan ko pero mahaba pero..

"Pass all your paper finish or not ang hindi magpapasa drop out,"

"Lintek,"

Hinulaan konalang baka sa kaling tumumpak. Lintek kasing prof.

I guess papasa naman ako dun.

"You will know the result tommorow, class dismissed," sabi ni Sir bago umalis.

"Lintek di nanaman ako papasa dun wala akong maintindihan," sigaw ni Sean.

Blood Sweat and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon