Tears [12]

107 5 1
                                    

Chapter 52


Jane

Nakakatawa mang isipin pero 15 minutong binugbog ni Ahra yng asungot na Jake na yung at natigil lang ang lahat ng dumating ang mga pulis. Kitang kita sa mata ni Zed ang pagka mangha. Di niya yata alam na 'We are the fantastic duo'.

"Bakit kasi ang bilis dumating nang mga pulis sayang di ko pa nagagawa yung signature move ko," biro ni Ahra.

Nandito kaming dalawa ni Ahra sa Police Station upang hingian ng statement tungkol sa nangyari. Si Zed naman ay dinala na sa ospital kasama ng iba pang anghel.

Pero alam niyo kung saan talaga ako humanga? Sa pagkakaibigan nila na kahit patayan ay walang iwanan, kahit katabi na nila si grim reaper ay dapat sama sama lang. Feeling ko tuloy mag jowa silang pito.

Pumasok kami ni Ahra sa isang kwarto kung saan doon kinakausap yung mga ulupong. Umonti sila di tulad kanina dahil marami din silang kasamahan na dinala sa ospital.

"Hindi nga kami yung nagsimula ilang ulit ko ba dapat sabihin?" na bwesit naman ako sa narinig ko.

"Hayy tama na yang drama mo bwesit ka isusungalngal ko sayo yang tissue sa tabi mo," sigaw ko naman mua sa likuran nila kaya napalingon silang lahat.

"Nakita niyo naman kanina kung paano ko bugbugin ng dalawang babaeng yan, baka nga hindi babae yan," sambit niya pa sa mga pulis.

"May videong nakuha na kayo ang nagsimula at ang lalakas ng loob niyong mang kidnap ng pasyente sa isang ospital na punong puno ng CCTV, at sino kayo sa tingin niyo?" sigaw ng pulis. "At di pa kayo nahiya pati babae pinapatulan niyo,"

"May baril rin silang dala kaso di nagamit kasi lumipad," pang aasar ko.

Napakamot naman sa ulo yung pulis dahil sa inis. Ma assign ka ba naman sa kaso ng kidnaping, trespassing, possesion of illegal fire arm, violence, and many more haha baka mabaliw ka talaga dahil hindi lang isa ang suspek sobrang dami nila at ang kalaban nila ay siyam lang.

REN

Nasa ospital kami ngayon at kapansin pansin na sunod sunod ang dumadating na pasyente mula sa emergency room at ito ay ang mga naa sagupa namin kanina.

Tapos na kaya sila Zed doon? Pero nasaan na sila?

Kanina pa kami nandito at naghihintay sa mga test na ginawa kay Ken.

Habang tinitignan namin yung mga dinadalaw sa emrgency room ay may isang pasenteng pumukaw ng atensyon namin.

"Si Zed," sambit ni Max.

Si Zed nga.

Lahat kami ay nagsilapitan kay Zed pero wala itong malay.

"Zed?" tawag ni Noah.

"Sir dito nalang muna po kayo sa labas bawal po tayo dito," pigil saamin nung babae dahil ipinasok nila sa isang kwarto si Zed.

Sa una ay hindi mo mahahalata na si Zed yun dahil punong puno nang dugo ang mukha niya pero dahil sa damit niya ay nalaman namin na siya iyon.

Nasaan naman sila Ahra?

"Nasaan ang anak ko?" sigaw nang isang pamilyar na boses ng babae.

"Kumalma lang muna po kayo ano pong pangalan ng anak nyo?"

"Paano ako kakalma nakidnap sa hospital na to ang anak ko?"

Si tita. Nanay ni Ken.

"Tita," tawag ko sakanya.

"Ren Diyos ko nasan ang anak ko?" halata sa mukha niya ang pag aalala. Kahit sino naman siguro ay mag aalala kung makidnap ang anak mo sa mismong hospital kung saan siya nakalagak.

"Nasa emergency room po siya tita,"

"Ah Diyos ko," tumakbo agad si tita papuntang emergency room. Halata ang pag=aalala sa mukha niya. Ikaw ba naman ma kidnapan nang anak sa mismong hospital kung saan siya nakaratay.

Kumalma naman agad si Tita nang malaman niya na okay na si Ken pero hindi niya daw papalagpasin nang kidnap sa anak niya.

Nasan na kaya sila Ahra at Jane?

I was shocked kanina. I never thought na ganun sila kagaling makipaglaban. I know Ahra learned some martial Arts pero di ko iniexpect yung nakita ko kanina. Is she really my ex girlfriend?

Because if she is, Zed is really a lucky man.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood Sweat and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon