Tears [4]

326 30 0
                                    

Chapter 44: Ren and Jane heartbreaking Impromptu

Jane

"Ok Mr. May, I heard a lot about you and I think may naramdaman ka sa naunang dalawang sumalang bago ka, ok here's your topic, as Ahra's ex boyfriend do you want to bring back the old relationship that you had? And what is your thought about his new suitor? Are you going to give up just like that?"

Nakakainis ka dad. Alam niyo kasi para kaya Dad isa lang itong biro pero di niya alam may mga tao nang nasasaktan. Kaya hindi kami totally nagkaka ayos dahil sa ugali niya.

Huminga nang malalim si Ren at hindi pa rin ito nagsasalita.

"Uhm, I'm accually speechless right now," huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. "It's true that Ahra and I dated each other for two years and we broke up in the day of our anniversary,"

Halatang galit ang pagsasalita ni Ren dahil sa tono palang mahahalata mo na.

"And It's funny that the reason why we broke up is your daughter sir,"

Huminto ang pagtibok nang puso ko dahil sa linyang iyon.

"The reason why we can't go back together is your daughter, yes, I want to date Ahra again, and to his new suitor, may the best man win,"

Natapos ang speech niya at sari saring bulungan ang maririnig mo. Gusto kong umiyak dahil doon.

"Uhm, ok for our last candidate, she the daughter of the chairman of this school, she's Jane Baluyot,"

Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko ito maigalaw.

"Ms. Baluyot please come here," tawag sa akin nang emcee pero hindi ko pa rin maigalaw ang paa ko.

"Jane that's not your fault!!" Narinig kong sigaw ni Ahra. "Hindi ko kailan man inisip na kasalanan mo yun!" Nakakahiya siya. Rinig na rinig sa buong stage ang boses niya.

"Let's win this," bulong ko sa sarili ko.

Buong kumpyansa akong umakyat sa stage.

"Again the person that will give the topic is the chairman,"

Bring it on Dad.

Ahra

Magkakasama ang lahat nang natapos na sa speech dito sa kabilang backstage.

Nang makalapit sa amin si Ren ay hindi ko maialis ang sama nang loob ko.

"Why did say that in front of many people?" Inis na tanong ko.

"What? I just said the truth,"

"Pero pinahiya mo siya,"

"Pinahiya? Hindi uso ang salitang yun sa kanya, akalain mo nga boyfriend ng bestfriend niya sinulot niya,"

*pak*

Sa inis ko nasampal ko nalang siya.

"I can't believe you, you've change,"

Blood Sweat and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon