Tears [11] (Part I)

319 17 0
                                    

Chapter 51

Zed

Papunta na kami sa tambayan nila Jake at tulad nang hiling nila wala kaming dalang pulis, sundalo, swat, special task group o ano man.

Nakakainis na ang dating gang na binuo ko ay naging puro kriminal na. Isa lang brotherhood yun dati pero nasira yun nang umalis kaming pito.

"Ano kayang feeling nang makasapak ulit?" Natatawang sambit ni Jerson pero halatang kabado rin siya.

Kahit ako ay kinakabahan dahil kilala ko rin ang ibang miyembro na hindi pa umaalis hanggang ngayon at naging kaibigan ko rin sila kahit papaano.

"We're here," usal ni Max.

Dito rin kami pumunta noong nakaraan ni Ren, siguradong magiging deelekado kami bukod sa umalis ako sa grupo kahit ayaw nila ay sinundan pa ko nang anim na kumag na umalis din sa grupo dahil nga bestfriend daw kami.

Umalis ako sa grupo dahil sa isang dahilan. Grade 10 ako nang umalis ako sa grupo and yep mukhang nag date na sila Ahra at Ren nung time na yun.

Pumasok na kami sa loob ng tambayan nila. Hindi ito yung tipikal na tambayan na sirang warehouse o kaya naman lumang warehouse dahil maganda ang loob nang tambayan na ito na naging tambayan rin namin noon. Kumpleto rin ito sa mga gamit. May kuryente at tubig din dito at may kalakihan din ang lugar na ito na kasya ang 50 na tao.

"At last dumating din kayo," bati saamin ni Jake na nakaupo sa gitna nang mga kasama niya,

Feeling niya talaga boss na siya eh sinasapak sapak ko lang yan dati.

"Nasan si Ken?" Ren asked.

"Atat ka naman masyado, ayaw mo ba nang inihanda ko, isang reunion, ang mga runaway idols nang grupo na ito at ang mga natirang matatag,"

Natawa naman si Jerson sa sinabi niya.

"Alam mo ang pangit mo pa rin," pang aasar nito. "Tigilan mo nga kami, mag palaki ka muna bago ka mag angas,"

Ngumisi naman si Jake sa sinabi ni Jerson. "Nakukuha mo pang mang asar kahit alam mo nang wala kayong laban? Anim lang kayo lagpas kami trenta dito?"

"Bakla ka pala kung ganun?" natawa naman ako sa sinabi ni Jerson.

"Tignan nalang natin kung sino ang iiyak sa atin na parang bakla mamaya?" sumenyas ito sa mga kasama niya.

Puta sabay sabay silang susugod? Hindi ko naman sila tinuruang maging bakla.

"Wala naman akong tinuro na maging bakla kayo? Nag iba lang ang pinuno niyo nag iba na rin ang turo sa inyo," natatawa kong sambit.

Isa isa na silang nag sisuguran. Lumapit agad saakin ang dalawang hindi ko kilala marahil ay bago sila. Naka ambang susuntukin ako ng isa ngunit nahawakan ko ang kamao niya at tsaka ko pinaikot ang kamay niya. Ang isang lalake naman ay may dalang tubo na akmang ihahampas sakin ngunit pinangsalag ko ang kasamahan niya tsaka ko siya sinipa palayo.

Ang lima ko pang kasama ay walang humpay sa pakikipagsapakan.

Kung tinatawag kaming pitong anghel nuon pwes malayo ang itsura namin ngayon para umakyat sa langit ngayon.

Sumugod pa ang ilang lalake saakin pero tulad nang inaasahan ay madali ko silang napatumba. Pero nagtataka ako, nasaan ang mga dati namin kasama noon? Balita ko kasi hindi pa sila naalis hanggang ngayon?

Madali namin napatumba ang 30 katao ng kami lang lima.

"Ano nga bang aasahan sa dating lider at mga superior nuon," natatawang sambit ni Jake.

"Alam mo pala pero ang mama angas k pa rin, feeling mo strong ka na?" sambit ni Noah.

"Relax ka lang, di pa nga tapos ang palabas," sumenyas nanaman siya at inasahan ko na, na may iba pa siyang kasama.

Pero ang mga lumabas na kasama niya ay ang mga dati naming kasama na naging kaibigan din namin.

Isa isa kong nakita ang mukha nila na mahahalata mong galit dahil na rin sa pagiwan namin sa kanila noon.

"Long time no see boss," sarkastikong sambit ni Lenard na dati rin naming kaibigan.

Kahit ang mga kasama ko ngayon ay hindi nakapagsalita dahil sa paglabas nang mga dati naming kasama.

"Oh ayan na sila, ba't hindi pa natin ulit simulan ang laban?"


-----------


short update lang po ito bukas na yung next update ko para sa part II nitong chapter na to.





Blood Sweat and TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon