KABANATA 2

73 6 4
                                    

AUTHOR'S note: Hi guys, sana na-inlove kayo sa personality ni Bogum sa #MDBC nya. At sana nainlove din kayo kay Shin Cordero sa TDH,BJJW tska sa UNWANTED. Cause you know, mahalagang may impact sa inyo si Shin para manamnam ang mga scenes ditey! Hihi, Sige. Happy reading.

Ps: Leave a comment! There is a certain character in TDH and BJJW na nandito rin okay? You should read the other two if you want to refreshed in your minds who it was :)














Kabanata 2


Celine Illustre. Yun yung pangalang sinabi sa kanya ng nurse. Ang sabi nito, siya daw si Celine Illustre. Pero wala syang matandaan. Hindi nya maalala ang nangyari bago sya dinala rito.

"Sa susunod huwag ka ng lumabas. Delikado para sayo. Paano kung mahulog ka sa hagdan?" Sita ni Sitte sa kanya. Isa itong nurse sa Miriam's Hospital at ito talaga ang naka-assign na magbantay sa kanya. Kaya lang naman sya tumakas nung isang gabi dahil day off nito at iba ang nag-alaga sa kanya. Isang masungit at mahilig mangurot ang pansamantalang pumalit.




Kasalukuyang kinukuhanan siya ng BP. Nakaupo sya sa kama ng hospital room na hindi nya ma-idescribe dahil sa hindi nya pa ito nakikita kahit isang beses lang.

"Okay lang naman ako. B-basta ikaw ang magbabantay sa kin. A-ayaw ko sa iba..."

"Ihh!" Singhal nito sa kanya. "Malapit na rin naman akong umalis dito, Celine. Wala na kong magagawa pa, pasensya kana.."

Ganon naman talaga. Darating sa sitwasyon na kailangan ka ng iwan. Na kailangan mong mag-isa. Doon mo malalaman kung meron ka bang natutunang lesson, kapag naiwan ka na.
Nakakalungkot pero totoo.




"Going back to the topic." Inalis na nito ang pambasa ng prisyon. Narinig nyang ipinatong ni Sitte ang gamit sa mesa malapit sa kinaroroonan nya. "Mabuti na lang talaga may nakakita sayo. Kung hindi masasagasaan ka, Maynila to. Kaskasero ang ibang drivers."




Naalala ko na naman sya..

Napapangiti sya habang inaalala ang amoy at timbre ng boses ng lalaking muntikan na syang mabangga. It dont take a seconds to recognize his voice again. Unique ang boses nito at kahit papagsalitain mo ito sa maraming tao ay makilala pa rin nya kung sino ang lalaki.
Hindi nya inaasahang magkakaroon ng epekto ang boses ng estranghero. Tila ba kayang palambutin ng tinig nito ang lahat ng kanyang buto..









"Gusto mo pa talagang kinukurot-kurot ka pa ni Lyn para bumalik." Medyo malayo na ang tinig ni Sitte at naalarma sya. Tumayo sya at susunod sana sa mabait na nurse.

"Aalis ka na?"

"Yes, mag-ra-rounds pa ko. Babalikan kita rito. Huwag kang lalabas, "

She swallowed. Dahan-dahan na lang syang umupo. Buong araw na naman syang mag-iisa doon at walang kausap. Minsan tumatayo lang sya maghapon malapit sa pintuan ng kuwarto nya para makinig sa mga nagkukuwentuhang nurses. Di naman sa chismosa sya pero nag-e-enjoy syang makinig kung paano mamuhay ng normal ang mga taong kagaya nyang nabubuhay sa mundo. Magkatulad naman silang humihinga pero bakit pakiramdam nya iba pa rin sya? May mali ba sa kanya?


'Sana hindi na lang sya ang namatay. Bakit kung sino pang hindi ko kaano-ano sya pa ang nabuhay?!'

Flashes are suddenly came up to her mind again. Mga senaryong hindi nya maalala kung kailan at saan nangyari. Hindi naman nya naiintidihan yon dahil wala syang ala-ala. Mahirap to, bulag ka na nga, wala ka pang memorya.

Ano ng mangyayari sa kin?




Naku-curious tuloy sya kung anong buhay meron sya noon bago sya alisan ng paningin at alaala. Sana naman ay hindi nya sinayang ang buhay nya noon, sana nasa hanay sya ng mga mababait at produktibong tao..











IN THE ARMS OF AN ANGEL (PARK BOGUM)Where stories live. Discover now