KABANATA 3

34 4 0
                                    

KABANATA 3




Matapos makapagpasya ni Celine ay kaagad siyang nakaisip ng plano para makatakas. Labag sa kanyang kalooban ang ganoong bagay pero… alam niyang kalabisan na lang sya sa ospital. Bulag at wala syang alaala pero marunong siyang mahiya, marunong siyang makiramdam kapag hindi na siya kailan sa isang lugar.






Hawak ang  stand na dala-dala niya habang naglalakas.  Isang putol na mop na nasira ni Alberto, yung joker na utility personnel ng Miriam’s.


Sumakit ulit ang dibdib nya. Ngayon ay hindi na sya makakarinig pa ng kwelang joke galing sa matandang tagalinis. Hindi man lang siya nakapag-paalam. Nagmamadali kasi siya, although she was not worried that Alberto will not stop her from leaving, naisip niyang huwag na lang. She hated goodbyes. She’s sure that they will cross paths in time.






Napaupo siya sa lugar kung nasaan man siya ngayon. Halos isa’t kalahating oras na syang naglalakad. Dala ang dalawang sachet ng fita at isang bottled water na nangalahati na.





Things were not on her side anymore. Siguro, kung kinapalan niya ng konte ang pagmumukha ay nasa maayos siyang tulugan ngayon. May nurse na magpapakain sa kanya at bibigyan ng gamot sa sakit ng ulo. Naiinis siya sa sarili dahil hindi dapat siya nanghihinayang sa mga bagay na walang bayad. Dapat ay hindi siya nanghihinayang sa mga bagay na hindi nararapat sa kanya.















Isang pamilyar na malanding tunog ang narinig niya sa di kalayuan. May nagtatawanan din at nagkukwentuhan gamit ang English na matigas ang accent. Sa unang dinig sa nagsalita ay mahuhulaan mong hindi ito sanay sa paggamit ng salitang yon.

Nagpatuloy siya sa paglakad.



“Oh,Joe! You are my saviour. Table me next time and I will give you the best service!”

Pero iba to. Mukhang magaling at parang pulido ang construction ng english. Halatang may 'K’ sa communication ability.



Kaagad niyang kinapa ang paligid at isang kotse ang nahawakan niya. Lalayo siya ngunit nabangga siya sa isa pang kotse pagkaatras niya. The fuck! She was like an idiot when she jumped at her place when the car suddenly became noisy. Mistulang inaalarma ang lahat ng taong nasa paligid ng club.






Oo, isang club. Lugar kung saan pwede kang bumili ng panandaliang aliw. Malaking halaga kapalit ang bagay na inaasam matikman ng tao dito sa lupa: Sarap o pleasure.






“Oh shit! Who is this wench?!”


Kasalanan ba niyang hindi siya nakakakita? She tried her best to go this far. E sa hindi niya nakita yung kotse nito na nakaparada sa parking lot.



“Wait,Joe.” Yung babaeng magaling sa english.



“Damn! That’s my latest car. Stay away!” Sigaw ng kano sa kanya.



Sumunod siya pero hindi niya alam kung saan siya pupunta. Akmang sisigawan na naman siya ng kano nang pumagitna na naman ang babae.

“Joe, see you tomorrow okay? Have a safe trip,honey!”


Hinalikan nito ng mariin ang kano. Naamoy niya ang usok ng sasakyan at narinig niya ang busina nito. Palayo ng palayo.


She heard a sigh from her side.




Hindi niya matukoy ang oras. Wala siyang relo, wala siyang kahit ano. All she have now is guts. And intuition.




“P-Pwede ba akong m-magtrabaho ng kagaya sayo?”


IN THE ARMS OF AN ANGEL (PARK BOGUM)Where stories live. Discover now