KABANATA 5

11 1 0
                                    

CELINE:


Sa panaginip niya. May isang hindi niya kilalang babae ang nakita niya. She was helplessly running away from some guys inside of the black car. There is another woman beside the first woman, mabait ito at iniligtas ang una.


"Kahit anong mangyari, kapatid kita.. regardless of our status or bloodline. Ikaw lang ang nag-iisang ate ko.."


Sa panaginip niya ay parehas na silang tumatakbo sa isang ospital. Isang abandonadong ospital, the name was written in a Bold letters pero hindi niya mabasa. Blurred yon sa paningin niya. On her dream, it's a smoky place gaya ng lugar kung saan siya nasagasaan.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon.. ako lang naman ang gusto nila, kaya ako ang sasama. He can't harm his little sister, right?"

Umiling ang batang babae. Nasa katorse pa lang ito at ang mas matandang babae ay nasa bente na.

"That's why I'm here,saving you! Dahil alam kong papatayin ka niya.. in this place you are nothing, no one will find you once you die!"





Napabangon siya nang marinig sa panaginip niya ang pamilyar na tinig at salitang bumubulong sa kanya. Kahit noong mga nakaraang araw niya sa Miriam's hospital. Nagising siya na may swero at nakakulong sa pribadong kuwarto.



It's the same feeling when she woke up that time, ang kaibahan nga lang ay di siya nakakakita noon, ngayon ay sobrang linaw ng baby pink curtain sa bintana na inililipad ng hangin..



Pati ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng.. isa.. dalawa.. tatlong madre. Shiver filled her system. Nanlaki ang kanyang mata nang ngitian siya ng madre, she was afraid of these people, iyon lang ang natatandaan niya.



"W-Who are you?"

"Miss Celine, gising na kayo.. halika, dadalhin ka namin kay Ezekiel." Sabi ng pinakamatandang ginang. She is wearing a unique rosary,may salamin ito at nilapitan siya.


It's like there's an evil spirit inside of her, at ayaw niyang lapitan siya ng mga ito. She cut the connection of her dextrose and that made them gasp.


"H-Huwag kayong lalapit sa kin!"

Hindi niya alam na mas maganda pa pala noong bulag siya. She can't see wrong in this world, but now, puno ng hindi magagandang bagay dito. Hindi niya tinutukoy ang unreasonable fear niya sa mga madre. These are men of God kaya hindi niya maipaliwanag kung bakit takot na takot siya. She can not feel comfort and she hates herself for that!



"Hija.." mapang-unawang turan ng pinakamatandang madre.

Their clothes brings nausea to her. Ano bang nangyari sa kanya noon bakit ganito siya? Nababatid niyang may kinalaman ang kanyang phobia sa nakaraan niya.



"P-pasensya na pero hindi ko gustong makita kayo ..."

Shit, sinabi niya talaga yon? Napakawalang respetong pakinggan!

"Agnes. Tawagin mo si Shin Ezekiel,madali ka."

"Huwag!" She shouted. Isa-isang lumapit ang tatlo kaya pinagtutulak niya ang mga ito at nagtatakbo. She barely knows that Ezekiel they are talking about!

Natatakot siya.


Her feet is so weak. "No.. no no! Kailangan mong tumakas.. please, bilisan mo.."


Muli ay naramdaman niya ang pamilyar na takot na nakita niya sa panaginip. It was the same scenario..

It is the same when she always escape from the nurses of Miriam's.


IN THE ARMS OF AN ANGEL (PARK BOGUM)Where stories live. Discover now