Bloody Five

3.7K 118 3
                                    

Bloody 5
White Erzah Cray

Mag-isa akong naglalakad dito sa wide space ng paaralan.
May rule kasi na kapag ang estudyante may marka ng triangle sa kanyang balikat ay dapat hindi niyo pansinin,kahit na magkaibigan pa kayo.
Kaya walang magawa sila Phoebe,gustuhin man nila akong lapitan ay hindi nila magawa,may parusa din kasi kung sino man ang lalabag. Kamatayan,ang parusa.
Pero diba napakalaki naman ng parusa? Mas malala pa sa parusa ko,ah? Sino bang pasimuno ng mga punishment na 'yan. Naiintriga tuloy ako kung sino 'yon.

Kumalam ang sikmura ko sa gutom. Gutom na gutom na gutom na ako! Parang mamamatay na ako. Pero sa tuwing naiisip ko ang kagwapuhan ni Mr. Cray ay parang nababawasan ang gutom na nararamdaman. Shit! May pandesal kaya si Mr. Cray? Nababaliw na ako!

Pinasadahan ko ng tingin ang damo na nandito sa field. Hindi naman siguro ako mamamatay kapag kumain ako ng damo,hindi ba?
Pinokpok ko ang ulo ko.
Nababaliw na ako sa gutom.

"You look crazy." Sabi nung lalaking umupo sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah,chill. I was just kidding." Nakangiti niyang sabi. Ang pogi niya,pero mas gwapo naman si Mr. Cray. Wala atang makakapantay sa kagwapuhan ng isang 'yon. Not even the gods in Greek Mythology.
Bakit siya ang iniisip ko ngayon? Na-love at first sight kaya ako sa kanya?

"Sino ka ba? Ba't mo ko pinapansin? Alam mo bang kamatayan ang parusa kapag kinausap ako?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Kasi naman diba? Konsensya ko pa kung mamatay siya. Tas baka ako pa ang papabayarin sa kabaong at funeral. Duh? Wala akong pera. Tinapay lang ag kape ang mai-aambag ko kung sakali.

"Nah,they can't kill me." Maloko niyang sabi sabay ngiti ulit. Ang yabang naman ang isang ito.

"At bakit naman? Exempted ka ganon?" Nakakunot noong tanong ko. Wow. Ano siya sinuswerte? Dahil ba gwapo kaya exempted?

"Well,sabihin na nating,oo?" Di pa rin mawala ang ngiti sa kanyang manipis na labi. Tiyak na maraming nagkakagusto sa isang ito. Ngiti pa lang ay nakakamatay na.

"Ano ka ba? Anak ng Principal?" Naningkit ang mata ko sa sariling tanong. Baka nga,no?

"Nope. Find it out by yourself." Ngiti niya ulit bago tumayo at nagsimulang maglakad paalis.

"Uy! Teka lang naman!" Habol ko pero bigla nalang siyang nawala.
Halah? Multo ba iyon?
Goosebumps.

Naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan ng sabog. Natatakot pa rin ako,kasi naman! Multo ba iyong lalaking iyon? Kaya ba siya exempted? Kasi multo siya? Hindi nakikita namin?

Huminto ako sa room 203,binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang magulong classroom.

Nagbabatuan ng papel ang mga lalaki,ang mga babae naman ay nagsasabunutan,habang ang teacher na si Ms. Dianna ay nakatungo lang sa teacher's table. What's new?
Ganito din ang eksenang nadatnan ko noong first day ko dito.

Biglang tumunog ang speaker.
Narinig namin ang pagtikhim ng Principal ,hudyat para magsitahimik kaming lahat.
Sobrang tahimik,tanging tunog lang ng aircon ang maririnig dito sa classroom namin.

"Bloodies." Humalakhak siya gaya ng paghalakhak niya noong muntik na akong mapahamak. Task daw iyon para makapasa sa paaralang ito.
Hindi ko ginusto ang pag-aral dito pero ito na ata ang kapalaran ko.
Napakalupit talaga ng tadhana sa akin! Pero okay na rin, nandito naman si Mr. Cray, ang forever ko!

Nami-miss ko na si Inay,kamusta na kaya siya? Nakawala na kaya siya sa hawla? Sana ay nakauwi na siya ng ligtas.

"Well,Bloodies. Lumabas kayo ng inyong classroom at tignan ang nasa wide space ng paaralan." Namatay ang speaker. Nakihalo ako sa mga estudyanteng nagtatakbuhan patungo sa sinabi ng Principal.
Nabigla ako ng may humiklat sa balikat ko.

Isang babaeng naka-all white. Syet. Para siyang diwata! May bulaklak pa sa kanyang ulo.
Dinala niya ako dito sa may garden na tinaguan namin nila Grace kahapon.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Mag-iingat ka,may papatay sa'yo." Sabi niya bago pinaglaruan ang martilyong hawak hawak niya. May papatay daw sa akin?

"Who? You?" Tanong ko, kung ganoon ay kinakausap niya lang ba ako para lituhin? Ano namang ipapatay niya sa akin? Martilyo?

"Nope. But someone you messed up with." Ngisi niya, gusto ko nalang matulala sa kagandahan niyang taglay. Kahit pa masama ang lumalabas sa kanyang bibig at talaga namang nakakatakot. I can't help but to adore her beauty!

"As far as my memory's concern,wala akong binanggang tao." I strongly said. Wala naman diba? Kung meron man, edi patayin nila ako. Goo! Hindi ako natatakot. Susmaryosep! Sinong niloloko ko? Naiihi na nga ako sa takot dito,eh!

"At sino ka ba?" Tanong ko ulit ng hindi siya sumagot sa nauna kong sinabi.

Bigla siyang tumawa. Weird. Wala namang nakakatawa sa tanong ko. Baka naman baliw ang isang 'to?

"I'm white. Tama nga sila,kakaiba ka. Hindi ka man lang natakot sa presensya ko."

Oh? Hindi naman kasi nakakatakot ang presensya niya ah.

"Dapat ba kitang katakutan?" I asked . Wala namang nakakatakot sa kanya? Parang ambait naman niya eh.

"Don't be deceived by my angelic face,Eris Dionne Chan."
Mind reader ba siya? Paano niya nalaman ang iniisip ko? May lahi siguro itong mangkukulam.

"Kilala mo ako? Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Bakit niya ako kilala? Matindi pa nito ay alam niya ang full name ko!

"White Erzah Cray. Dark Eros's little sister. Nice to meet you,Ms.Chan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Sino daw siya? Bigla siyang nawala sa paningin ko.

  O-kay? Pero may napansin akong plastic sa kinatatayuan ni White kanina.
Kinuha ko ito at tinignan.
Nanlalaki ang mga mata ko.
Pagkain! Saan nanggaling ito?

Hindi ko na inalintana kung may lason ito! Ang mahalaga'y malagyan ng pagkain ang nagugutom kong tiyan.

-

Bloody CampusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora