Bloody Seven

3.4K 119 0
                                    


"Why didn't you tell me? Ohmygeee!" Hysterical niyang tili at walang pakundangang niyogyog ang balikat ko.

"T'was my secret." I told her. Yes,pinakamalaking sikreto ng isang Eris Dionne ang pagiging leader ng Gang na iyan. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya,but I got no choice.

Tumunog ang bell ng paaralan,nagtataka ko siyang tinignan,sindak ang mukha niya,namumutla ang kanyang labi.
Hindi ko mapigilang di mangamba sa naging reaksyon niya. Anong nangyayari?

"Shit." Mahina niyang mura bago nagpakawala ng buntong hininga.

"Bakit?" I asked curiously. What's with the ring of the bell? Bakit ganito ang naging reaksyon niya?

"Ganito ang tunog ng bell kapag may labang paghahandaan,Eris. This happened 7 years ago. Ngayon lang ulit ito tumunog. Hindi ko alam kung bakit." Nangangatog ang kanyang tuhod sa kanyang sinabi.
May laban na paghahandaan? Ngunit para saan ang laban na iyon?
Magtatanong pa sana ako ng bigla siyang lumabas ng dormitoryo.
Kinuha ko ang aking cardigan at sinundan siya.

Narito lahat ng mga estudyante sa Gymnasium. Kapwa ay takot na takot sa maaring i-announce ng Principal.

"What's going on?" Tanong ko kila Phoebe at Channel ng makita sila dito.
"Hindi ko din alam,natatakot ako." Bulong ni Phoebe.

"Bloodies." Nagsitahimik ang lahat ng marinig namin ang tinig ng isang lalaki. Malamig at Ma-Awtoridad.

"Been years since you last heard my voice. Am I right?" Nagsitanguan ang mga estudyante. Sino siya?

"We have a huge problem." Naging maingay ang gymnasium dahil sa sinabi ng lalaki.
Bakit? Anong problema?

Tumikhim ang lalaki na nagpatahimik ulit sa lahat.

"Hell Campus is messing with us,again. I don't know what they are up to for now." Wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

"We'll have to prepare for this. Full Moon ulit magaganap ang giyera,exactly 1 month from now."

Giyera? Hell Campus? Ano ba talagang nangyayari?

"Ano na naman bang gusto nila? Nakuha na nila si Elizabeth diba?" Rinig kong bulong nung isang babae.

"Hindi ko din alam ang pinaplano nila." Sagot nung isa.

Who's Elizabeth? May babaeng pumasok sa isip ko ng marinig ang pangalang Elizabeth. Umiling ako.. Imposible.
But What happened 7 years ago?

Nahagip ng aking mga mata ang lalaking naka-mask ng gold sa may madilim na parte ng gymnasium.
He's not looking at me,nakatungo lang siya.

"Dark." Sambit ko,nagitla ako ng bigla siyang lumingon sa akin. Narinig niya ba ako?
Imposible,sobrang hina ng pagkakasabi ko sa pangalan niya!

Sandali kaming nagtitigan,ako ang unang umiwas. Di ko kaya ang puwersa na nanggagaling sa mga mata niya.

"Eris." Muli kong narinig ang malamig na boses sa aking utak.

"Who are you?" I murmured.

Nilingon ko ulit kung nasaan si Dark pero wala na siya sa kinaroroonan niya.
Akala ko ba ay isang beses lang siya sa isang buwan nagpapakita?

Bloody CampusWhere stories live. Discover now