Bloody Thirty-Five

2.6K 82 10
                                    


"Eris,saan ka pupunta?" Inaantok na tanong ni Phoebe sa akin.
Nilingon ko siya habang sinusuot ang aking itim na Cardigan.

"Delikado ng lumabas ngayon,alas dose na." Sabay tingin niya sa orasan na nasa may dingding.
Ngunit hindi ako nakinig at sinintas ang liston ng aking rubber shoes.

"Eris.." Naramdaman ko ang pagbangon niya.

"Magpapahangin lang ako,Phoebe. Hindi ako makatulog."

Iyong eksena na napanaginipan ko kahapon ay napanaginipan ko ulit.
Hindi ko alam kung bakit,pero para bang nagpapahiwatig iyon na kailangan kong hanapin ang kakambal ko.
Pero paano ko siya hahanapin? Gayong nandito ako sa letseng paaralan na ito?

"Samahan na kita." Sabi ni Phoebe pero umiling ako.
Gusto kong kausapin si Eros ngayon.

"Mag-iingat ka." Si Phoebe habang tinatanaw ako sa pintuan. Tumango lamang ako at naglakad na papunta sa may kakahuyan.

Mahina lamang ang aking mga yapak at nararamdaman ko ang presensya ng isa tao sa aking likod.

Pumihit ako paharap at nakita si Ethan na seryosong nakatingin sa akin.
"Saan ka pupunta Binibini? Gayong malalim na ang gabi?" Paunang tanong niya at lumapit sa akin,humakbang ako paatras.

"Gusto ko lamang makita si Eros, saan ko siya mahahanap?" Tanong ko. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

"Bakit mo naman siya hinahanap?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. His stares were intense and very dangerous. Nakakatakot,pero bakit comfortable ako sa kanya? Noong una ko palang siyang nakita, noong nagpanggap siya bilang si Eros ay gusto kong maging kaibigan siya ngunit mailap siya sa akin.

"May sasabihin lang ako sa kanya." Simple kong sinabi at nagpatuloy na sa paglalakad,sinabayan niya naman ako.

"Delikado para sa babaeng katulad mo na umalis ng dormitoryo ng ganitong oras."

"Alam ko iyon." I glanced at him, I see how he put his hands behind him like a King talking to his Princess. Like an older brother talking to his younger sister.

"Eris." Isang malamig na boses ang aking narinig mula sa likuran.
 
"Eros." Bulong ko at lumapit sa kanya.

"What were you doing here? With him?" Sumulyap siya kay Ethan na nakataas lang ang kilay.

"Hinanap kita,nakita niya ako dito at nagtanong kung saan ako pupunta." I explained. He simply nodded.
Lumapit sa amin si Ethan at nagpaalam ng umalis.
Ginulo niya ang buhok ko ngunit may napansin akong nakasulat sa kanyang kamay.

"Eli?" I asked shockingly.

"Huh?" Tinuro ko ang kanyang kamay,sumulyap din siya doon at taka akong tinignan.

"Why?" Sabat ni Eros na nasa may gilid ko.

"Hmm, girlfriend mo?" I innocently asked. Wala kasi akong ibang matanong.

Ngumiti siya ng mapait.

"Yup. Elizabeth." Nagulantang ako sa pangalang sinabi niya. My deductions and conclusions were right! Eli, short for Elizabeth?
Girlfriend niya? Ibig sabihin,nobya niya iyong kinuha ng mga taga Hell Campus?

"Iyong babaeng sinabi nilang kinuha daw ng taga Hell Campus?" Lito ko siyang tinignan na ngayo'y nanlalaki ang mga mata dahil sa aking tanong.

"Paano mo nalaman iyan?"

"Narinig ko lang,matagal-tagal na rin."

Tumango siya at namutlang tumingin kay Eros.
Bakit ganyan ang kanyang reaksyon?

"Hmm.. Bakit?" Tanong ko at nilipat ang tingin kay Eros na hindi rin tumitingin sa akin.

Nilapitan ako ni Eros at biglaang niyakap. Nagulat ako doon,yayakapin ko din sana siya ng unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa nilamon na ako ng dilim.

~*~

Ethan's PoV :

"I told you guys to take care of her!" I couldn't fathom the burning rage running in my system right now.

"I'm sorry,Master." Si Phoebe habang nakayuko.
Sinabunutan ko ang ulo ko at tumingin sa kay Eros na kinukumutan ang natutulog na si Eris.

"She knows Elizabeth,damn it! She's in danger!" Bahagya kong sinuntok ang pader ng kanilang dormitoryo.

"Pasensya na po,Master. Hindi ko pa nakakausap si Celyn." Mahinang bulong ni Channel.

"Be sure na hindi niya malalaman ang totoong pagkatao ni Elizabeth. Grace, I trust you in this." Tumango naman siya.

"Let's go,Eros."

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon