Bloody Thirty-Two

2.6K 86 0
                                    


"May magandang balita ako sa inyo!" Sabi ni Ms. Aurora sabay palakpak at medyo tumalon pa siya ng kaunti. Siya ang pinakabatang guro dito sa Campus,nasa mid-twenties pa lang siya at mukhang masayahin. Once a week lang siya pumapasok dahil P.E ang kanyang subject na hina-handle.

Nagsihiyawan ang mga classmates ko,excited sa maaaring sabihin ng guro,hindi ko magawang makisali sa kasiyahan nila dahil sa lalim ng aking iniisip.

"Dionne." Napakislot ako ng may humawak sa siko ko.
  Nilingon ko ang nagmamay-ari ng mapangahas na kamay at nagulat ng si Nathan ito. Anong kailangan niya sa akin? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinausap niya ako.

"B-akit?" Di ko maiwasang hindi mautal. Ang lamig kasi ng presensya niya at nakakatakot.

"We can be partners." Deklara niya,kumunot ang aking noo. Hindi alam kung ano ang kanyang sinasabi.

"Partners? S-aan?"

"I knew it. You didn't hear what Ms. Aurora said." Napabaling ako sa harap,umaasang nandoon pa si Ms. Aurora ngunit wala na ito.
Masyado ba akong pre-occupied?

"Ano bang sinabi niya?" Tinaas ko ang aking kilay para mabawas-bawasan man lang ang kaba na aking nararamdaman dahil kaharap ko ang lalaking ito.

"Find a partner para sa Love Duet bukas." Plain niyang sinabi.
Nagulat naman ako,anong Love Duet?

"H-uh? A-h sige." Tumango ako at napagpasyahan ng magligpit ng gamit. Lunch time na din kasi.

"Sabay na tayong mananghalian para mapag-usapan din natin ang tungkol sa kakantahin bukas." Napakurap-kurap ako dahil sa ang bilis niyang magsalita ng Tagalog. Akala ko kasi half-British siya, kulay asul ang mga mata at kasing puti ng papel ang kutis.
Pati pananalita ay iba ang pagkakabigkas niya.

Tumango nalang ako at sabay kaming pumuntang cafeteria.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakatambay sa may hallway ng school.
Nilingon ko si Nathan pero balewala lang naman sa kanya ang mga paninitig ng mga tao kaya nagkibit nalang din ako ng balikat.

"What's yours?" Aniya habang nakatingin sa may menu.

"Burger and coke is fine." Sabi ko,dahil wala akong ganang kumain ngayon.

Tinignan niya ako ng maigi,para bang may sinusuri. Lumipat ang mga mata niya sa aking katawan,kaya hindi ko maiwasang hindi maasiwa.

"You're so thin,you should eat a lot." Umismid ako sa sinabi niya, hindi naman kasi ako masyadong payat eh,may kurba naman.

Lumapit ang waiter sa amin at nilista ang aming mga order.
Nagulat na lang ako na puro gulay ang kanyang pinalista!

"What's your problem? Hindi ako gutom at wala akong gana,please burger at coke lang sapat na sa akin." I almost beg, ayaw ko kasi ng gulay! Parang masusuka ako kapag nakikita ng ganun.

Ngumisi lang siya at umiling. His blue eyes darted on my mine kaya hindi ko maiwasang mamangha.
Asul na mga mata..
Umiling ako dahil may isang tao ang pumasok sa isip ko.

"Why?" Tanong niya pero I shrug.

Dumating ang aming pagkain na puros gulay, may karne pero kaunti lang, at ang daming kanin!

Halos di ko matignan ang aking plato na punong-puno ng gulay.

"Eat." Ma-awtoridad niyang sinabi.

"Ayaw ko." Umiling pa ako.

Bigla niyang nilapit ang upuan niya sa akin at siya na mismo ang kumuha ng pagkain at akmang susubuan ako.

Iwinakli ko ng marahan ang kanyang kamay at umiling.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Eat or I'll kiss your damn lips? Choose." Parang gusto kong umiling at magpahalik ah? Anlandi!

Binuka ko ang bibig at sinubuan niya naman ako. Ngumiti pa siya at ginulo ang aking buhok.

"Good Girl."

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon