Chapter 5

73.5K 1.2K 26
                                    

Anong nangyare d'yan sa labi mo?”—tanong ng nakakatandang kapatid nang nasa kalagitnaan silang dalawa sa hapag kainan at kumakain ng hapunan. Agad siyang nag iwas ng tingin. At maingat na hinawakan ang labing kumikirot pa din hanggang ngayon.

“Wala ito ate, nadapa lang ako kanina.”— pang sisinungaling niya. Ngunit mukhang hindi naniniwala ang kapatid dahil pinakatitigan siya nito ng husto. Ngunit maya-maya lang ay bumuntong hininga ito at marahang tumango.

“Mag iingat ka lagi. Marahil ay takbo ka ng takbo kaya ka nadapa.”— nakangiting sabi ng kapatid. Tila naman nadala ako sa klase ng ngiting ibinigay nito sa akin, at napangiti rin.

“Ingatan mo ang sarili mo. Malulungkot si ate kapag nasaktan ka.”

“Opo ate.”

Paine's Point of View

“awww!”— hindi ko naiwasang dumaing sa unang lapat ng bulak na may alcohol sa aking mukha. Gasgas lang iyon ngunit talagang napakahapdi.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang sinapit. Sa napakaraming pwedeng magasgasan ay mukha ko pa talaga. Pwede naman sa siko, sa kamay o paa, talagang sa mukha pa kung saan kitang-kita at hindi maaaring itago.

“Ang hapdi.”— muling daing ko. Nakita ko naman na napahinto si boss sa paggamot sa gasgas ko sa mukha. Bumuntong hininga muna ito bago umayos ng upo.

“On the behalf of Sandoval, I'm sorry.”— bakas na bakas ang sensiridad dito habang sinasabi iyon. Tuloy ay  pakiramdam ko ay tila nag ibang tao ito. Hindi na ito ang lalaking tila mo demonyo, mukha na itong anghel sa paningin ko.

Marahan naman akong tumango at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Kitang kita ang gasgas sa aking mukha, pulang-pula iyon at mahaba. Nagpalala pa roon ang kaputiang taglay.

May lahi bang wolverine ang babaeng iyon? Sisiguraduhin kong gagawin ko siyang umaga kapag nagkita kami.

“Girlfriend n'yo ba iyon bossing?”— usisa ko. Hindi naman siguro masama magtanong hindi ba? Tutal may atraso naman ang babaeng iyon sa'kin.

“No.”— sagot ni Boss. Hindi pala nito girlfriend ngunit makapag eskandalo ay wagas? Huwaw!

Kung ganoon kahit resbakan ko ang babaeng iyon ay ayos lang, dahil hindi naman pala ito jowa ni boss.

“She's one of those women who's obsessed with me.”— napalingon naman ako kay boss sa mga sinabi nito. Sa ngayon ay nakasandal na ito sa upuan habang nakapikit ang mga mata.

Honestly guys, may kagwapuhan naman talagang taglay itong boss ko. Mahirap i-describe ngunit siya na yata ang pinaka perpektong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kakaibang dating ang lalaki para sa'kin. Pansin ko na iyon noong unang araw namin na magkita. Ito ang lalaking pagtutuunan talaga ng pansin, kahit unang beses mo pa lang itong nakita.

Napakaperpekto ng tabas ng mukha nito, matangos na ilong, makapal na kilay at mamula-mulang labi. Idagdag pa ang kagandahan ng hubog ng katawan nito na sa tingin ko ay alaga sa exercise, at isama pa ang taglay nitong tangkad. Sa tingin ko ay 6 footer ito.

Kaya hindi na kataka-taka kung may taong mahihibang dito. Gwapo na ito mayaman pa. Saan ka pa, diba?

Agad akong napaiwas ng tingin nang mag dilat ito ng mata. Natense naman talaga ako.

“I-Ikaw talaga boss ang may kasalanan.”— sa pagka tense ay iyon ang naibulaslas ng aking bibig.

Pakshet!

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Where stories live. Discover now