Chapter 11

59.5K 1K 16
                                    

Chrome Point Of View

NOT EDITED

"That's her right?" - rinig kong tanong ni Yuan habang makahulugang nakatingin sa mga ito. Hindi ako kaagad nakapag salita at patuloy pa ring nakamasid sa tatlong tao na hindi magkaugaga sa pagpupumilit na buhatin ang kanilang kasama para lang makaalis sa aming harapan.

Obvious naman kasing hindi talaga nawalan ng malay ang isa sa mga ito at nagkunwari lang, ngunit dahil sa kahihiyan ay napilitan ang mga itong gawin ang eksenang iyon.

Sinulyapan ko ang mga kaibigan at marahang umiling. "Kelan pa kayo dito?" - sabi ko na lamang at muli nang naupo.

"Last night. Dito na kami dumeretsyo nang sabihin mong overtime ka." - sabi ni Ice, habang sa iba pa rin nakatingin. Muli akong nailing at napabuntong hininga.

Hindi ko inaasahan na pupunta nga ang mga ito matapos kong silang imbitahin sa team building ng aking team. Imbis pa nga ay nauna pa ang mga ito sa akin.

Matapos ang kamustahan ay nagtungo na sila sa cottage na kanina pa nga mga ito inuukupa. May mga nakalatag doong pagkain at alak na inumin. Kaya naman nagpatuloy ang kwentuhan at usapan.

Bukas pa nang umaga gaganapin ang opening ng kanilang team building kaya naman malaya pa niyang magagawa ang mga ito.

"Sa tingin mo ba ay magiging successful yang plano mo?" - tanong ni Yuan habang hawak-hawak ang isang baso ng alak at iniinom iyon.

"Kelan ba naman ako nagplano na hindi naging successful ha? Yuan?" - mayabang naman na sabi ni Ice. Pero may punto naman ito.

Isa si Ice sa pinaka kilalang batang negosyante sa bansa. Kaya naman hindi na nakakapagtakang naiplano nito nang maganda ang proposal na sinabi nito sa amin. Isang exclusive subdivision ang nais nitong itayo, at kailangan nito ng mga kasosyo at malaking pera upang magawa nitong maidevelop ng maganda ang plano nito. At kaya na rin narito kaming lahat dahil nais ni Ice na kunin kaming kasosyo niya.

"So in ba kayo or out?"

"I'm in." - tipid kong sagot. Maganda ang binabalak ni Ice, at sa tingin ko oras na maging successful iyon ay kikita talaga ang plano na iyon pagdating ng araw. Sa huli ay nagsisang ayon naman lahat. Basta tungkol sa business ay doon lang ata kami nagkakaintindihang lahat.

Marami pa ang aming napag usapan, ngunit muling naputol iyon nang magsalita si Klein.

"Hindi bat sila yung kanina?" - sabi ni Klein habang nakatanaw sa malayo. Nilingon naman namin iyon at muli nga ay nakita ang apat.

"Hindi pa rin sila tapos sa kalokohan nila?" - natatawang tanong ni Yuan. Gaya ko ay alam kong alam din ng mga kaibigan na nagdahilan lang ang mga ito.

"Hindi ba sila napapagod?" - Eneru na nakamasid din.

Mariin ko naman silang pinag masdan na apat. Hindi magkaintidihan ang mga ito kung paano bubuhatin ang kanyang secretary na si Paine na walang malay.

Ngunit na tigilan ako nang tila may mapagtanto.

Paanong si Paine na ang kanilang buhat?

"Wait bakit ang secretary mo na ang buhat buhat nila?" - nagtataka ring sabi ni Ice. Wala naman sa sariling napatayo ako at mas pinagmasdan pa ang mga ito.

Ibang-iba ang galaw nila sa kaninang kalokohan na ginawa.

"Something is----" - hindi ko na tinapos pa ang kung anong sasabihin ni Ice at walang pasabing lumapit sa mga ito.

"What's the matter?" - kunot ang noong tanong ko, naramdaman ko ang presensya ng aking mga kaibigan sa aking likuran. Marahil curious din sa mga nangyare.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Where stories live. Discover now