Chapter 8

62K 1.2K 39
                                    

Paine's Point of View

"Hoy Paine!" napamulagat na lamang siya nang marinig ang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan ng kung sino. Nakita ko si Colleen na nakakunot ang noong nakatingin sa'kin, mukhang nagtataka din ito kung bakit ako nakatulala. Sa pagkapahiya ay hindi ko na naiwasang mapakamot sa batok bago dahan-dahan tumayo. Hindi ko man lang naramdaman ang pag dating nito, naabutan tuloy ako nitong tulala. Pero salamat na din at hindi si boss ang nakakita sa'kin, kundi baka napagalitan na naman ako nito. 

"Ikaw pala Colleen, may kailangan kaba?" napahiya man ay pinilit ko pa rin na umakto ng tama. Napansin kong may mga dala itong papel na sa tingin ko ay papapirmahan muli nito kay Boss. 

"Ah, oo pinapadala 'to ni Ms. Torii need ng lagda ni Boss Chrome," iniabot nito sa akin ang mga papeles na sinasabi nitong kailangang lagdaan ni Boss. May kakapalan din iyon. 

"Kailan ba ito kailangan?" tanong ko habang inilalagay na iyon sa ibabaw ng lamesa. Sumulyap pa ako sa aking relong suot at nakitang ala una na pala ng hapon. 

"Bukas ng umaga Paine, magtutungo na lang ako rito upang kunin," sabi ni Colleen. Tumango lang ako dito, at maya-maya lamang ay nag paalam na ito. Muli naman akong naupo at marahang pinakatitigan ang mga papeles na dala-dala ni Colleen. Napukaw din ang atensyon ko sa trey nang pagkain na kanina lamang ay dinala ni boss para sa akin. Wala ng laman iyon.

Ngunit totoong nakakahiyang nakalimutan kong dalhan ito ng pagkain. Tuloy ay hindi ko na naman napigilan ang mapabuntong hininga, ngunit bago pa muling mapatulala ay agad ko ng tinapik ang sariling mukha. 

"Paine!" malakas na bigkas ko sa pangalan at muling sinampal ang sarili. Paraan ko iyon upang kahit paano ay magising at matauhan. 

Tumayo siya at agad kinuha ang mga papel na kanina lamang ay dala-dala ni Colleen. Agad akong ngumuti at tinahak ang daan papasok sa opisina ni Boss. Kumatok siya sa pinto, ngunit nakailang ulit na niya ata iyong nagawa ay walang tugon siyang narinig mula sa loob. 

"Boss, may kailangan lang akong papirmahan," malakas na sambit ko, ngunit wala pa rin akong nakuhang tugon. Kaya naman maingat kong pinihit ang pinto pabukas. Nang makapasok ay napakunot pa ako ng noo nang hindi makita ang boss sa pwesto nito. 

Lumabas ba ito? 

Lintik. Sa sobrang pagkalutang ko ata ay hindi ko namalayang lumabas ang aking boss? Pero bakit hindi ito nag paalam? Wala rin siyang naaalalang appointment nito ngayong oras, kaya saan naman ito magtutungo. 

Agad kong iginala ang paningin sa loob ng opisina, umaasang makikita ang amo sa gilid-gilid ngunit ni anino nito ay hindi ko nakita. Tuloy ay napag desisyunan ko na lang na ilagay sa ibabaw ng lamesa nito ang mga dalang papeles at mamaya na lang sabihin dito iyon. Habang ginagawa iyon ay nag iisip pa rin ang aking utak kung nasasaan ang kanyang boss. At bakit hindi man lang ito nagsabi. 

Ngunit ganoon na lang ang kanyang gulat nang bigla na lamang bumukas ang pintong nasa likod na bahagi ng opisina. At walang pasabing lumabas doon ang lalaking kanina pa niyang hinahanap ng walang suot na pang-itaas. Agad namang nanlaki ang aking mga mata habang nakatutok sa hubad na katawan nito. 

"What are you doing here Ms. Salazar?" tila walang pakielam nitong tanong sa akin habang abala ang isang kamay sa pag pupunas sa buhok nito. Hula ko ay banyo ang loob ng pintong iyon, katunayan na roon ang pagiging basa ng buhok nito at ilang bahagi ng katawan. Mukhang naligo ito. 

Palihim akong napalunok bago iwanan ang titig sa maganda nitong katawan, at salubungin ang mga mata nito. 

"Boss may mga papeles na pinadala si Ms. Torii," ayun lang at nagkunwaring abala ang paningin sa papel na nasa lamesa. Kung hindi ako iiwas ng tingin ay muli lamang matutuon ang aking mga mata sa maganda nitong katawan na alam kong mali. Baka sabihin ni boss na pinapantasya ko siya. 

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Where stories live. Discover now