Chapter 5: New friend?

9 5 2
                                    


I'm currently dressing up in my walk-in closet. As usual, late na naman akong gumising. Tss. I reall don't care at all. Nobody cares about me though, then why should I care? Tsk. Hays, tama na nga yan. Lol.

Pababa na ako sa hagdan namin ng marinig ko sila Mom at Dad na nagbabangayan, na naman.

Sanay na ako dyan sa dalawang yan. Ba't ba kasi di nalang magdivorce o sa madaling salita, magbreak. Tss.

"Ayoko na Luigi! Pagod na ako! Pagod na akong magpanggap! Iiwan na kita. Don't worry, di ako manghihingi sa mga shares ko. Sayo na yan! Isaksak mo sa baga mo!" Sigaw ni Mom.

Napa tigil ako sa sinabi ni Mom. Uy, joke lang yung kanina! I didn't mean it. No, Mom! Please don't leave us.

"What!? P-Paano ang business natin? P-Paano si D-Daffodil? N-No! Hindi pwede!" Sambat ni Daddy. Go, Dad! Ipaglaban mo si Mommy! Tss. So childish of you, Daff.

"Sana ganon nalang yon kadali, Luigi. Sorry to tell you but I'm sick and tired of you! And about our daughter, she can handle by herself. Bye, Luigi." I suck in a breath. Didn't she care for me? Para namang ang dali nya lang iwan kami.

I can feel my tears falling down from my cheeks. Tumakbo ako palabas ng bahay, baka kasi makita nila ako na umiiyak dito. Pinaka hate ko yung may nakakakita saking umiiyak. Tsk.

-

I'm currently here in our classroom. Naghihintay ako for the next subject to come. I didn't dare to go out kasi nawalan ako ng gana. Ako lang at ang isang kaklase ko na babae ang nandito sa room. Bale nasa corner ako sa last row at sya naman ay nasa corner sa first row. Oa yung gap namin. Tss.

Bahala na. Mabuti na yung mapag-isa na ako. Di ako makapaniwalang iiwan ako ni Mommy. Kahit wala siyang oras sakin ay mahal ko pa rin yun. Sya ang nanay ko eh. Tss. Siya ang nagluwal sakin. Siya ang nagdala sakin sa kanyang sinapupunan. Mahal ko sya pero iiwan nya lang ako ng ganun na ganun nalang? Tss. Sarap sampalin eh no. Loko pala yun. -.-

"Uy, ba't ka umiiyak, Ms. Daffodil?" Tanong nung babaeng nasa corner kanina pero ngayon, nasa harapan ko na. Di napansin na umiiyak na pala ako. Bwisit!

Umiwas ako ng tingin sa kanya pero nabigla ako ng inabot nya sakin yung hanky nya. May naka tahi pang 'MAE'. So, Mae pala pangalan nya. Aba ewan. Tinanggap ko naman at inamoy pero mabango naman, saka ko pinahid sa mga mata ko. I gave it back to her at tinanggap naman nya.

"I'm Maria Alejandrea Emilia Narciso." Sabi nya at inabot yung kamay sakin. Anubayan ang taas ng pangalan. Anong klaseng parents ba meron sya at ang taas ng pangalan nya? Hahaha.

Di ko tinanggap ang kamay nya but instead, I smiled at her. Mukha syang inosente, bubbly and matalino. Okay na rin na may kasama ako.

"Ang panget ng pangalan mo. Pang gurang!" Sabi ko at napahalakhak ako sa tawa. Sya nakikitawa rin. Weird. Di man lang sya na offend sa sinabi ko?

"Right, but you can call me Mae." Sabi nya with a sweet smile. Kaya pala may naka lagay na MAE sa hanky nya. She sat beside me and smiled again.

"Di ka naman pala maldita gaya ng sabi nila. You're fine, I guess. Friends na tayo ha? Loner kas--" I cut her words off. No freaking way! There is no way I'm gonna be friends with a loner, like duh.

"No! No way. Sorry but I don't wanna be friends with a loner." Sabi ko at napasimangot naman sya. I just rolled my eyes at her childishness.

"Ikaw rin naman ah! Loner ka rin kasi lahat sila takot sayo. Ako na nga tong nagmamagandang loob, besides I won't be a loner anymore if you accepted me as your friend." Sabi nya. Tss. Oh ano na? Sige na nga. Pero since wala naman akong katulong so grab the opportunity na. Wahahaha.

DaffoDevil's Mission || #Wattys2017Where stories live. Discover now