Chapter 8 [ Spell O.A ... B-E-A ]

4.2K 76 1
                                    

Jacob's POV

Yung baliw na babaeng parrot na yun!

Damn her! Ang sakit ng pagkakasipa nya sakin..

Kung hindi lang siya babae pinatulan ko na talaga! At malamang sa malamang ay may blackeye na yun sa ngayon Pasalamat siya!

Sinabihan pa kong manyak at rapist, wala naman akong ginawa sa kanya! Binara ko nga ang O.A, saka sa gwapo kong 'to?

"Kuya! Anong ginagawa mo dyan? Hinahanap ka na nila sa loob!" si Paolo yan, kapatid ko. Napansin ko lang parang may nagbago sa kanya. Nawala na yung eyeglasses na lagi nyang suot. Well it made him looks better than before.

"Sige mamaya papasok na rin ako! Gusto ko lang magpalamig ng ulo! Go back inside."

"Ah... sige sasabihin ko na lang kila Papa!"

O di ba ang saya? Ganyan ako talaga makipag-usap... actually hindi lang sa kanya kahit sa iba ko pang mga kapatid.

Ewan sadyang di ako close sa kanila. Maski nga kay Papa ganto din ako.

Malaki ang gap ko sa buong pamilya. Yes totoo yun.. yung feeling na kahit anong gawin ko di ko magawang mapalapit ulit sa kanila.

Maya-maya ay pumasok na din ako sa loob. At ang lecheng si Parrot pa ang una kong nakasalubong. Pag minamalas ka nga naman!

Sa inis ko ay di ko siya pinansin. Bakit ko gagawin yun? Matapos niya kong sipain! May lahi yatang chinese yung parrot na yun lakas makasipa daig pa yung master ng Judo.

---

Paolo's POV

Ano kayang problema ni Kuya? nakasimangot eh?

Baka naman nag-away sila ni Ate Bea?

Pshh parang mga bata! Hayss bahala nga sila! bulong ko sa sarili ko nang makita ko si Kuya Rence na madilim ang mukha nang bumababa ng hagdan kanina.

Sinundan ko si Kuya nang magtungo siya sa garden, kasi hinahanap din siya nila Papa at nung Dad ni Ate Bea, ang kaso mainit nga ulo kaya ayun pinabalik ako sa loob.

Nang andito na ako sa loob ay binuksan ko ang t.v at naupo nalang sa sofa.

Maya-maya pa ay nakita ko si Kuya na bumalik galing sa garden, eksakto namang kakababa lang ni Ate Bea, nagkasalubong pa nga sila sa main door pero hindi man lang nagkibuan.

Hindi sila nagpapansinan, mukhang may away nga ang dalawang iyon.

Nakita kong nalungkot ang mukha ni Ate nang lampasan siya ni Kuya. Naawa ako sa kanya. Kung ako din nasa kalagayan niya ay madi-disappoint din ako.

Ikakasal pa lang sila tapos nag-aaway na? Sabagay di na bago ang pagsusungit ni Kuya samin pero sana i-spare na niya ang magiging asawa niya. He should be gentle with Ate.

Pero anong magagawa ni Destiny? Dakilang suplado ang kapatid ko! Isa pa tatak na nya yan! Kaya nga takot akong lumapit minsan dyan baka kasi mapagdiskitahan ako! Mahirap na! Parang leon pa naman ito pag nagagalit.

Oo, para siyang leon kung magalit kaya pag lumapit ka sa kanya na mainit ang kanyang ulo ay paktay kang bata ka! Tiyak na lalabas kang may bulak sa ilong.

Pero kahit ganyan yan si Kuya, may takot pa din yan... takot pa din yan kay Kuya Tristan, Oo sinasagot sagot nya si Kuya pero kapag alam nyang di nya siya kayang pagpasensiyahan ni Kuya bigla yang aalis ng bahay.

Mapuntahan nga si Ate Bea sa labas at baka biglang tumalon yun sa swimming pool, may malaking pool pa naman kami dito sa bahay.

Bea's POV

BRIDE FOR HIREWhere stories live. Discover now