Epilogue Part 2

4.8K 93 5
                                    

Bea's POV

Nakakarinig ako ng mga boses sa paligid. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. When I finally opened them, ang mukha kaagad ni Jacob ang una kong nasilayan, nasa tabi ko sya and he was smiling at me.

Naalala ko tuloy yung paghihirap ko sa panganganak. Anong akala nya ganun ganun lang yun? Kung makangiti sya dyan! Sya kaya ang manganak di ba?!!

"HOY! ANONG NGININGITI-NGITI MO DYAN!"

"Tapos na ang paglilihi mo pero nagsusungit ka pa rin?" Hindi pa din nawawala yung mga ngiti niya. Eh bakit ba kasi galit ako?

Aaminin ko na nga. Kasi naman, ang gwapo gwapo niya, kahit mukha siyang walang tulog, hindi ko mapigilang hindi kiligin haha edi wow!

Ako nang may gwapong asawa!

Tiningnan niya ako sa mga mata at saka kinintalan ng masuyong halik sa noo. "I'm feeling great." Aniya, nakuha ko ang ibig nyang sabihin, iyon ang talagang sagot nya sa tanong ko kung bakit siya nakangiti.

"Huwag ka nga! Kung makangiti ka dyan akala mo masarap manganak ah!" Sungit sungitang sabi ko na hinampas pa ang braso nyang mamasel para ma-touched ko. Haha! Mga galawan ko eh no?

"Wag na init ulo mo. Masaya lang naman talaga ako. Isa pa baka magising yung tatlo." Aniya sabay nguso sa may gilid ko.

Sinundan ko ang kanyang mga tingin, hindi ko napigilang hindi mangiti nang masilayan ko ang mga mukha ng cute little angels ko.

Yep mga, kasi tatlo sila as in triplets.

Noong una nagulat rin kami ni Jacob nang malaman namin sa ultrasound na may tatlong puso na tumitibok sa  magkakaibang direksyon.

Nung ipinaliwanag sa amin ng doctor ang possibility na maaring tripleta ang magiging mga anak namin ay syempre wala kaming pagsidlan ng saya. Isa pa nasa lahi nila Jacob ang mga genes na may kambal kambal dahil ang Lolo raw sa mother side nya ay may kakambal at may kapatid din syang kambal. Sina Kuya Emman at Ethan.

"Ang cute naman ng mga babies ko!" Parang naluluhang sabi ko. Oh God thank you. I have never imagined that my life could be happy like this.

I have him... Tiningnan ko ang aking pinakamamahal na si Jacob. Who never gave up on me, gaano man ako kahirap pakisamahan noong panahong naglilihi pa ako sa mga bagets.

I have my family... Nanatili silang nakasuporta sa lahat ng ginagawa at desisyon ko. Isa rin sila sa dahilan kung bakit naging matatag ako na kayanin ang pagbubuntis ko. Naawa naman ako bigla kina Kuya, mukha kasing wala rin silang tulog gaya ng asawa ko.

I have my second family, ang swerte ko kasi tinanggap ulit nila ako ng buo sa kanilang tahanan sa kabila ng pinagdaanan namin ni Jacob.

And above all, I have them, my three little boys. They made my life happy and complete.

Feeling ko wala na akong mahihiling pa sa buhay, sapat nang kasama ko sila sa tabi ko habang patuloy na nilalakbay ang kinabukasan.

"Why are you crying Mommy ko? Does it hurts again?" Nag-aaalala siya, ngayon ko lang napansin na sobrang haggard ng itsura, malamang pati siya na-stressed.

Umiling ako. "I'm just thankful, Daddy ko.."

He smiled and cupped my face and looked into my eyes. "Thank you, for giving me happines, and for keeping them, Brent, Terrence and Jad. I love you, the four of you." Nangunot ang noo ko, sinu sino ang mga yun?

Bago pa man ako makapagtanong ay nahagkan na niya ako sa noo, napangiti ako kasi simula sa pagbubuntis ko hanggang sa ngayon hindi sya nagbago he's still the same Jacob Lawrence na minahal ko, at minamahal pa, although mas sweet na sya kumpara sa dati at medyo nabawasan na yung kasungitang overload na palagi nyang bitbit.

BRIDE FOR HIREWhere stories live. Discover now