XVII.

2.7K 74 3
                                    

Dedicated ito sa mga kaibigan kong sina Vera, Ruby at Diana seryoso miss ko na kayo!

Isang makulit na chapter guys iwas drama muna haha

-----
Alexis

             "Uy blooming ha? Bagong regla? Nag dadalaga?" Kantiyaw ni zen.

"Gago. Ang baboy mo ha. Baka ikaw, ngingiti ngiti ka diyan eh" pag babalik ko sa kanya.

Namula naman ang tenga niya.

Aha! Kala mo ha!

"Ayie! Zenaida ha may sinisinta na ang maharot mong puso no?" I said wiggling my brows.

"Oh shh up! Stop calling me that horrifying name!" She hissed and rolled her eyes.

"Aba aba! Ginagamitan mo nanaman ako ng pagka banyaga mo ha nako ipapadeport kita!" Pag babanta ko.

"Ows? Edi isasama kita." Sabi niya at nag crossed arms pa.

Hayup talaga!

"Tse! Mag panggap ka na nga lang na isa kang patatas at baka matuwa pa si sara na munting prinsesa" sabi ko at inilipat ang channel ng pinapanuod namin.

Nandito ako sa condo niya dahil na miss ko siya.

Nanahimik nga siya at nag kalikot ng cellphone niya.

Himala ata? Hindi siya nakipag talo.

Maya maya napansin kong namumula siya.

Dumukwang ako para makita kung sino ang kausap niya nakita ko ang pangalan na Alyana Rosana.

Inilayo niya naman ang cellphone niya.

"Invasion of privacy! Isa kang hangal!" Eksaherada niyang sabi.

"Ulopong! Dati halos ibalandra mo mga kalandian mo sa akin ngayon naglilihim ka zenaida!" Sabi ko na naniningkit ang mata.

"I'm not hiding anything it's just *sigh* she's not my playmate" she said somewhat disappointed and frustrated.

Napa taas naman ang isa kong kilay.

"Huweh? Hindi ba gumana yung SOEN na pamick up mo?" I said wiggling my brows.

Napakunot naman ang noo niya.

"Anong SOEN ka diyan?" She said and looked at her phone again.

Mukang di na nag reply yung alyana kaya hinagis niya kung saan ang cellphone niya.

"Yung mag chachat ka sa babae na matipuhan mo tapos sasabihan mo ng 'hi can you show me your boobs? Coz I sell SOEN brassieres I just wanna know your cup size' then tadaaaa di mo nakuha ang cup size ng bra dahil tinanggalan mo na sila ng bra!" Pahayag ko na tatawa tawa pa.

"Ulol!" Sabi niya at kunwaring nainis pa pero sumalo na rin sa pag tawa ko.

"Wow nahiya naman ako sa babaeng makikitext sa natitipuhan niya dahil wala daw siyang load tapos ang number na ilalagay eh yung sarili niyang number, makuha lang yung number nung babae. Pucha walang load eh naka line ka ulopong!" Pag babalik niya.

Ay grabe siya!

"Atleast hindi ko tinatanggal bra nila!" Sabi ko at hinagis yung unan sa muka niya.

Sapul!

"Ang sabihin mo hindi sila nag papatanggal ng bra nila!" Halakhak niyang saad.

"Ayoko din, di kasi ako manyak" I said and sticked my tongue out.

HerSheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora