XXI.

2.5K 70 0
                                    

Alexis

"SU SO! SU SO! SUSOPORTAHAN!"

"DE DE! DE DE! DEDEPENSAHAN!"

Napangisi ako't napa iling nang marinig ang cheer ng mga ulopong kong kaibigan.

Ang mga katabi nilang nanunuod ay napapatingin sa kanila, ang iba'y kinikilig, ang iba nama'y natatawa at yung mga may inis sa kanila'y parang nadidisgusta.

Last 2 minutes nalang ang natitira sa orasan at kami'y nasa 4th quarter na.

Nakangiwi ang kalaban namin at napa iling din tila na aawa sa team namin.

102- 106

At sila ang lamang.

Pumito ang referee hudyat para bumalik ang ka miyembro ko sa bench namin.

"Brenner pumasok ka na! Lamunin mo ulit sila ng buhay. Ayokong mawala ang championship satin." Seryoso ngunit kinakabahang saad ni coach.

Napa buntong hininga ako at lumingon lingon sa mga bench ng audience.

Napakagat ako sa pang ibabang labi at tumango kay coach.

"Let's go! Panthers !" Sigaw ng team captain namin.

"Let's go!" Sigaw namin.

Muli akong lumingon sa bench bago tumabi sa referee upang i-imporma ang lahat na may substitution.

Dumagundong ang hiyawan at tilian sa buong gymnasium nang pumasok ako.

"SU SO! SU SO! SUSOPORTAHAN!"

"DE DE! DE DE! DEDEPENSAHAN!"

Mas lumakas ang pag hiyaw nila Faye, Alby at Zen. Sinabayan pa yun ng pag tambol nila Mike at Tony. At pa sayaw sayaw ni Jaime, Lei at Kiko.

Gumaya na rin sa pag hiyaw nila ang mga supporters namin.

Napangiti na ako at ginanahan ng mag laro.

At nang mag simula na ang natitirang dalawang minuto wala na akong pinalampas pang mga puntos.

Halos hindi ako mahabol at maagawan ng kabilang koponan.

At nang pumito ang referee hudyat na ubos na ang oras sa last quarter.

Habol hininga naman akong napahinto at ibinato na sa kung saan ang bola na hawak ko at tinanggap ang galak na galak na yakap ng mga ka miyembro ko pati na rin ni coach.

Halos mangiyak ngiyak sa tuwa ang buong koponan ko at nag tatatalon kami.

"We love you lexis! Waaaah!" Hiyaw ng mga sophomore na vet med.

Nginitian ko sila at lalo naman silang nag tumili.

"Iyo nako fafa lexis!" Malanding pang gagaya ni faye na ikinatawa naman ng iba ko pang kaibigan.

Binatukan tuloy siya ni jaja.

Napailing nalang ako at lumapit sa kanila sinalubong naman nila ako ng yakap, sabunot, kutos at kurot.

"Yes naman akalain mo MVP ka pa?" Sabi ni zen at hinipan ang torotot niyang dala sa tenga ko.

Ganito na pala ang pag congrats ngayon?

Medyo masakit sa kaibuturan ng aking kalamnan at kasu-kasuhan.

Ha ha ha.

"Bakit nandito ka?" Sabi nang masunget na babae na naka suot ng kanyang pajama suit na palaka? dinosaur? caterpillar?

Ah basta green siya, napa ngiti naman ako sa itsura niya muka siyang batang suot suot ang paborito nitong costume at ayaw nang hubarin pa ito.

HerSheOnde histórias criam vida. Descubra agora