XXVII.

2.3K 55 1
                                    

Jenefer

                 Tumama ang sinag ng araw sa aking muka kaya wala akong ibang nagawa kundi unti-unting imulat ang aking mga mata.

Nag inat inat pa ako na mayroong ngiti sa aking mga labi ngunit nawala rin ito ng makitang wala si alexis sa aking tabi.

Nasaan siya?

Agad akong tumayo upang hanapin siya.

Nag punta ako sa banyo dahil yon ang una kong nakita ngunit wala itong tao, pumunta ako sa kusina ngunit wala din siya.

Lumabas ako ng room para hanapin siya.

Baka naman nag swimming lang?

Pero bakit hindi niya ako ginising? Bakit hindi siya nag paalam?

Inabot na ako ng tanghali ngunit hindi ko pa rin siya mahagilap.

Tinawagan ko na ang cellphone niya ngunit ang boses ng operator lamang ang naririnig ko na pati ito ay nag sasabing di siya makontak.

Halos ma praning na ako kaka isip kung nasaan ba si alexis.

Naupo nalang ako sa baybayin habang umiiyak ng walang humpay.

Wala na akong pakialam kung pag tinginan man ako ng mga tao.

"Alexis nasaan ka na ba?" Bulong ko sa hangin.

Baka sakaling marinig ako ni alexis at tangayin siya ng hangin pabalik sa tabi ko.

Ngunit biglang humampas sa akin ang malakas na alon na tila nag sasabi na kumilos ako.

Pero bakit?

*Ring! Ring! Ring!*

Napa balikwas naman ako sa pag kaka upo ko ng mag ring ang cellphone ko.

Si alexis tumatawag!

Agad kong sinagot ang tawag.

"You dummy! Where the hell are you?!" Malambing na bulyaw ko sa kanya.

Kumalma na rin ang aking pag iisip ng tumawag na siya.

"Uh... Is this jenefer?" Sabi ng boses sa kabilang linya.

Bumalik nanaman ang kaba na kanina ko pa nadarama at tila nag papanic na ako.

"E--to nga sino ka? Nasaan si alexis?" Kabado kong tanong.

"Pumunta ka na sa airport ASAP or else you won't see her anymore" sabi niya.

Nanlaki ang mata ko "What?! Ba--" *Toot! Toot!* naputol na ang linya tinawagan ko itong muli ngunit can't be reach na.

Agad ko naman inayos ang mga gamit ko at bumalik muna sa bahay namin.

"Dad si Chloe?" Sabi ko ng mag kasalubong kami sa hagdan.

"Dalawang araw na siyang hindi umuuwi akala ko mag kasama kayo?" Sabi niya at tila nag aalala na rin.

"What?! Dad alam mo ba kung nasaan ang pamilya nila alexis?" I asked.

Inaasahan ko ng isasagot niya ay di niya alam, ngunit mas na alarma ako sa isinagot niya.

"Sinong alexis?"

HerSheWhere stories live. Discover now