7

4K 130 4
                                    

             
*Chapter 7:
Jamilah POV:

Mag-isa ko ngayon naglalakad sa corridor. Wala kasi si Bea. 3 days daw siya dun sa Tagaytay. Ewan ko ba sa babaeng yun.

"Siya ba yun?"
"Oo ata"
"Ewww ang pangit naman niya"
"Yeah right. Hindi sila bagay"
"Bat nerd!?"
"Kami kaya ang bagay"

Yan ang mga naririnig kong bulungan kanina pa.

Sigurado naman ako na ako yung pinaparinggan nila kasi nakatingin sila sa akin.

Nakita ko naman ang bullitin board na may picture kami ni Kyle.

'Kyle dating a nerd!?'

Teka ito yung araw na nakipagkaibigan siya sa akin.

Napayuko na lang ako dahil lahat sila masama ang tingin sa akin.

Pinagbabato ako ng kung ano ano.
Hindi ko napigilang umiyak.

"Hoy! Anong ginagawa nyo sa kanya!?"

Napatingin naman ako dun.
Si Mark.

Tumigil sila at walang nagsalita.

"Ano bang ginawa niya sa inyo hah!? Dahil lang ba sa picture na ito? Wala naman siya ginawang masama! Nanahimik siya tapos ginaganyan nyo pa! Simula sa araw na ito. Kapag nabalitaan kong may nanakit kay Jamilah ako na makakalaban nyo! Tara na Jam" at hinila niya na ako.

Napatulala naman ako sa ginawa niya.

"Uy!" At pinitik pa ako sa noo.

"Ah uhmm Mark salamat pala." Sabi ko.

"Wala yun. Di ba sabi ko ipagtatanggol kita sa mga panget na yun? "

Natawa naman ako.

"Yan tumawa ka na lang huwag ka ng umiyak" at ngumiti siya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Teka. May sakit ba ako at ganito ang nararamdaman ko?

*******
Break time.

Mag-isa ko lang ngayon na kumakain.

"Loner ka talaga eh noh?"

"Ikaw pala Kyle. Anong ginagawa mo dito?"Natanong ko.

"Syempre kakain. Makikisabay sayo." At umupo siya sa harap

"Ah.."

"Sorry nga pala sa nangyari kanina. Di man lang kita naipagtanggol"

"Ok lang yun. Tsaka pinagtanggol naman ako ni Mark kanina" at ngumiti ako.

Pagkasabi ko ng Mark parang nag-iba ang mood niya.

"Ah eh di good" sagot niya at nag-iwas siya ng tingin.

Dumaan samin si Janine at aksidenteng natapunan niya ako ng juice.

"Oh sorry" sabi niya.

"Janine ano bang problema mo?" May inis na sabi ni Kyle.

"Huh? Hindi ko kasi sinasadya eh. Sorry" maarteng sabi niya.

"Ok lang Kyle. May damit pa naman ako sa locker ko eh" sagot ko.

Napairap naman si Janine at tuluyan ng umalis.

Agad ko na lang tinapos ang pagkain ko at pumunta na sa locker.

Lagi akong naglalagay ng damit sa locker ko in case na mabully ako o kaya pagpinawisan.

Kinuha ko na yung damit ko sa locker at pumunta sa cr.

Pagkatapos magpalit ay dumiretso na lang ako sa classroom.

Nakalipas ang Ilang oras at uwian na.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga. Masyadong nakakapagod ngayon eh.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko.
May nagtext pala.

From: 09*********
Hi Jam.. ;)

Sino naman ito?

To:09*********
Sino ito?

From: 09********
Mark ito

Pagkabasa ko ng pangalan niya ay parang napangiti ako ay ewan!

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Where stories live. Discover now