17

3.3K 120 9
                                    


* Chapter 17:

Jamilah POV:

Nagdaan ang ilang araw.
Lagi na lang sumasama sa akin si Mark.

"Uy Jam akin na yang mga dala mong libro. Siguradong mabigat yan" sabi niya.

Oo kasama ko siya ngayon.
Kinilig naman ako ng unti. Unti lang.

"Hindi na Mark. Kaya ko naman eh" at ngumiti pa ako pero sa totoo lang mabigat talaga eh.

"Sa kapal ba naman ng mga librong yan at ang dami pa oh" at kinuha niya nga lahat.

Nagkatitigan kaming dalawa.
Umiwas na lang ako ng tingin at inayos ang salamin ko.
Nagsimula na kami maglakad papunta sa classroom.

Kwento lang siya ng kwento habang ako tahimik lang na nakikinig.

"Aanhin mo ba itong mga to Jamilah?" Tanong niya.

"Wala. Wala kasing magawa kaya babasahin ko na lang yang mga yan" sagot ko.

"Itong mga to!? " gulat na tanong niya.

"Oo" tipid kong sagot.

Nanahimik kami saglit.

"Sino pala crush mo Jam?" Tanong niya.

"Bakit?"

"W-wala matanong lang"

"Secret"

"Akala ko wala kang crush hahaha"

"Abnormal lang yung ganun" sagot ko.

"Pero promise hindi ko sasabihin" sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hulaan ko na lang"

"Mahihirapan kang hulaan siya"

"Ano ba yan? Tao? Alien? Multo?"

"Syempre tao!"

"Ahahaha si Kyle ba?"

"Hindi. Bestfriend ko yun"

"Si.. Nathan!"

"Hindi"

"Ace."

"No"

"Sino kaya?" Tanong niya.

"Hindi mo malalaman. Ikaw? mukhang may nagugustuhan ka ah?"

"Meron. " nakangiti niyang sagot.

Parang may kumirot sa puso ko.
May gusto siyang iba.
Teka crush ko lang naman siya di ba? Normal lang ba to?

"Mabait, matalino, simple lang siya" at ngumiti pa siya.

Minsan mapapahiling ka na lang na sana ikaw yun.

"Sino naman yan?"

Hindi pa rin niya tinatanggal ang ngiti niya at tumingin sa akin.

"Ikaw" sagot niya.

Natigilan ako.
Ako!?
G-gusto niya ako?
Pero bakit? Paano? Kailan? Saan?

"Matagal na kitang gusto Jamilah, noon pa. Kaya kita laging inaasar kasi gusto kong mapansin mo ako. Kaya gusto kitang maging kaibigan para makalapit ako sayo. Kaya kita laging prinoprotektahan dahil ayokong makita  na sinasaktan ka nila. Kaya tahimik ako nung sabado dahil nagseselos ako sa inyo ni Kyle. "

Pilit na prina-process sa utak ko ang mga sinabi niya.
So dati niya pa ako gusto?
Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Una na ako"

Yun lang sinabi ko at pumasok sa classroom.

Hindi ko alam pero napangiti ako.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Where stories live. Discover now