20

3.4K 104 3
                                    

Chapter 20

Jamilah POV:
Bumalik ako sa realidad ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa kabilang shelf.

Dahil minsan may pagka-tsismosa ako ay tumingin ako dun.

May naglalagan pala ng libro.
Tinulungan ko to at ng makita ko kung sino ito ay nagulat ako.

"Kyle?" Gulat kong tanong
"Ikaw pala Jamillah"
"Anong nangyari!?" Nag-aalalang tanong ko.

"Tumitingin kasi ako ng mga libro kaya ayan nabagsakan ng mga yan" at tinuro niya yung mga makakapal na libro.

"Naku mag-ingat ka sa susunod ha?"

"Oo" nahihiya niyang sagot.
Ang cute.

"Kumain ka na?"

"Hindi pa eh"

"Tara sabay na tayo"

Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako.

Nasa pintuan palang kami ng makita ko si Mark na may kayakap na babae.

Biglang kumirot ang puso ko at bumigat ang pakiramdam.
Ang sakit.

Akala ko ba gusto niya ako?

Hindi ko alam na dinala na pala ako ni Kyle dito sa garden.

"Umiyak ka lang Jamilah. Nandito lang ako" at niyakap niya ako.

Nakaramdam naman ako ng kakaibang feeling.
Hindi ko na lang pinansin.

"Ok ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya ng mahimasmasan ako.

"Oo" at ngumiti ako.

"Yan. Ngumiti ka. Mas maganda ka kapag nakangiti ka."

"Naku nambola. Anong gusto mong ilibre ko sayo?"

*******
Kyle POV

"Naku nambola. Anong gusto mong ilibre ko sayo?" Pabiro niyang tanong.

Pwede bang pagmamahal mo na lang?

"Kahit ano"

Ngumiti naman siya.

Sana ako na lang ang dahilan ng mga ngiti mo.

"Mahal ko na ata siya Kyle"

Napatingin ako sa kanya.

"Please huwag mong sasabihin sa kanya" dugtong niya.

"Pero Jam----"

"Please? Love mo naman ako di ba bestfriend?"

Oo, mahal na mahal. Pero hanggang bestfriend na lang ang tingin mo sa akin.

"Oo na lang" sagot ko at pilit na ngumiti.

"Yieeee love mo talaga ako noh?"

"Hahaha tara na nga!"

Kahit masakit gagawin ko mapasaya lang kita Jamilah.

******

Nicole POV:

Nagkwekwentuhan lang ang mga kabarkada ni Mark.
Nakakainis lang na tingin ng tingin sa akin si Ace.
Inirapan ko nga.

Biglang sumagi sa isipan ko si Kyle..

"Si Kyle?" Tanong ko kaya natahimik sila.

"Baka kasama yung girlfriend niya si Jamilah" sagot ni Ken.

"Hindi niya girlfriend tss" singit ni Mark.

"Asus! Selos ka lang Mark!"

"Jamilah?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo yung nerd"

Nerd?

"Ayun pala sila oh" turo ni Nathan sa may nagpipila.

Napatingin naman ako doon.

Nakita ko siya na may kasamang babae.
Pinagmasdan ko lang yung girl. Magulong buhok, manang na damit. Naka nerdy glasses. Nerd nga.

"Kyle! Halika dito!" Tawag nila at lumapit sila sa amin.

"Oh bakit?" At napatingin siya sa akin.
Nagulat naman siya .

"Nicole!?" Di makapaniwalang tanong niya.

Nakangiti naman akong tumango.

Agad naman niya akong niyakap.

"Namiss kita"

"Namiss rin kita. Kailan ka dumating? "

"Kanina lang"

"Ah.." At tumingin siya sa katabi niya.

"Oo nga pala Nicole. Siya pala si Jamilah." Pagpapakilala niya .

"Hello! Im Nicole! Nice to meet you" sabi ko at nakipag shake hands.

"Nice to meet you rin" nahihiya niyang sagot.

Mahiyain siya.
I like this girl.

"Nicole kumain ka na ba? Tara kain tayo" aya ni Kyle.
"Sige ba! Sama ka na Mark" aya ko na rin kay Mark.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Where stories live. Discover now