14

3.6K 125 4
                                    


* Chapter 14:
Kyle POV:

Umuwi na ako sa bahay matapos naming mag-usap ni Mark.

Psh. Naiinis na talaga ako sa kanya.
Kung hindi ko lang siya kaibigan bugbog sarado na yun.

Nag-aalala lang naman ako kay Jamilah. Ang bait niya at inosente tapos paglalaruan?

Nagui-guilty rin ako. Kasali rin kasi ako dun eh.

Ayoko siyang masaktan.

Kung sabihin ko na lang kaya kay Jamilah ang totoo? Pero magagalit rin siya sa akin. Ayoko namang mangyari yun.

Gusto ko lagi ko siyang kasama. Parang kulang ang araw ko kapag wala siya.

Pero ayaw ko naman siyang masaktan. Pero---

Aish! Mas mahirap pa ito kaysa sa mga ginawa kong kalokohan!!

"Anak yung pagkain mo"

Bumalik na ako sa realidad.

Napatingin naman ako kay Mom at tinignan ang pagkain ko.
Hindi ko pa pala nababawasan.

"Anak may problema ka ba?" Tanong niya.

Napa-iling na lang ako.

"Meron nga. Share ka naman" pangungulit ni Mom.

Kahit kailan talaga feeling bagets si Mom.

"Ma. Paano kung may nilihim kayo sa isang taong importante sa inyo tapos pag hindi mo sinabi masasaktan siya pero kapag sinabi mo naman magagalit siya sa inyo at lalayuan ka niya" seryosong tanong ko.

"Hmmmm..." Yun lang sinabi ni Mom na para siyang nag-iisip.

"Siguro sasabihin ko. Mapapatawad ka naman niya eh. Hindi nga lang ganun kayo ka-close." Sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako.
Ang hirap.

"Bakit anak may ginawa ka nanamang kalokohan?"

"Wala naman po Ma." Sagot ko.
Ngumiti naman siya.

"Oo nga pala kamusta kayo ni Jamilah?" Tanong niya ulit.

'Ok naman po kami"

"Nililigawan mo na ba?" Tanong niya pa.

Muntikan naman akong mabulunan.

"Ma naman!" Saka ako uminom ng tubig.

"Ito namang anak ko! Ang bagal! Ligawan mo na bago makuha pa ng iba"

Nauunahan na nga eh.

"Tss."

"Alam kong may gusto ka kay Jamilah anak" pang-aasar niya.

"Oo na Ma" sagot ko.

"Ayiee! Napa-amin rin!!"

Parang teen ager talaga si Mom. -_-

"Anak. Masaya ako na bumabalik ka na sa dati. Yung Kyle na walang ginagawang kalokohan."

Napatingin naman ako sa kanya.

"Buti naman nasasabi mo na ang mga problema mo. Simula kasi nung Umalis si Nicole wala ka ng kwinikwento." Nakangiting dagdag niya.

Naalala ko nanaman siya...

Agad ko ng tinapos ang pagkain ko.

"Ah sige Ma. Akyat na ako. May tatapusin pa akong assignment."

Tumango na lang siya saka ngumiti.

Kamusta na kaya si Nicole?

Hinanap ko yung binigay ni Nicole sa akin na scraptbook.
Namimiss ko na yung makulit na yun.

Si Nicole ang childhood friend ko. Pinsan siya ni Mark kaya close ko. Siya ang first crush ko at first love. Pero umalis na siya ng ibang bansa nung magsecond year kami. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanya kasi nawalan na kami ng communication. Ang alam ko lang may boyfriend na siya dun. Nung narinig ko yung balitang yun. Sobra akong nasaktan.

*Flashback: 2 years ago*

Nasa mall kami ni Nicole ngayon.
Umiyak kasi kaya dinala ko siya dito.
Ewan ko ba kung bakit umiiyak.

Kumakain kami ngayon at nakikita ko na siyang masaya.
Napangiti naman ako.
Kung sabihin ko na kaya na gusto ko siya?

"Uy Kyle. Thanks pala hah? Dinala mo ako dito tapos binili mo pa tong malaking cute na panda. Ang cute cute niya" at niyakap niya pa yung malaking stuff toy na panda.

"Hahaha syempre alam ko naman na dito ka sasaya" nakangiti kong sagot.

"Uhmm Kyle" malungkot na sambit niya.

"Oh bat malungkot ka?"

"Aalis na kasi kami. Pupunta na kaming London" malungkot na sagot niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya.

"Hindi mo naman ako ipagpapalit dun di ba? Bestfriend mo pa rin ako"

"Oo naman! At hinding hindi kita makakalimutan! Kaya pagdating ko dapat ako pa rin ang BFF mo hah?"

"Oo naman"

At tumawa kami.

*end of flashback*

Siguro nga naka-move on na ako sa iyo Nicole.
Simula kasi nung nakilala ko si Jamilah. Naging masaya ako kahit wala ka.
Masaya ka na rin naman dyan di ba?

********

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Where stories live. Discover now