- Chapter One -

2.5K 63 3
                                    

Sabrina Gomez.

Devils Academy. Tinignan ko ang napakataas ng gate ng skwelahang ito, ano kaya ang naisip ni Daddy at pinatapon ako sa lugar na to. Well, di ko naman siya masisisi, pang ilang school ko na ba to sa high school? Pang anim? Pang walo na ata ehh.

Biglang bumukas yung gate at lumabas mula rito ang isang hindi katandaang lalaki

"Bakit ka nandito?" tanong niya

"Hindi po ba obvious? Syempre nandito ako para magenroll" pabalang kong sagot

"Halika sumunod ka" utos niya

Agad naman akong sumunod sa kanya. Maganda ang loob nitong paaralang ito. May mga dorm, ang nasa kanan ay para sa mga babae at ang nasa kaliwa naman ay para sa mga lalaki.

Habang may isang building ang nasa gitna, eto siguro yung Devils Academy. Malaki rin siya.

"Pumasok ka na" utos nung lalaki. Hindi na ako umimik at dumiretso na sa loob

"You must be Ms. Gomez" panimula nung babaeng nakaupo "Maupo ka" dagdag niya pa

Agad naman akong umupo sa upuan sa harap ng kanyang lamesa

"So Ms. Gomez, from now on dito ka na magaaral" sabi niya habang naka ngisi "Eto nga pala ang kwarto mo. May kasama ka dyan si Ms. Lee at Ms. Jones" sabi pa niya at inabot ang susi ng kwarto "Nandon na sa kwarto ang mga gamit mo, at bukas na bukas ay pwede ka ng pumasok" sabi nito.

Agad agad akong lumabas ng office ni Ms. Cruz at tinungo ang dorm. Room 37- A.

Hinanap ko na agad ito. Ng nasa tapat na ako ng pinto at akmang bubuksan ito ay bigla itong bumukas at lumabas ang isang babae

"Omayyy! Ikaw ba si Ms. Gomez??!" tanong nito. Fvck! Ang lakas ng boses niya.

"Hailey tumahimik ka nga" saway nung isa

"Snow naman ehh, ngayon nalang ulit nagkaroon ng bagoong estudyante tong D.A ehh" sabi nito at ngumiti sakin

"Pasok ka" sabi niya. Buti naman at pinapasok ako nito. Kala ko wala akong balak papasukin ehh.

"Soooo, ako si Hailey Jones" pakilala niya "At yun naman si Winter Snow Lee" sabi niya at tinuro yung isa

"Tss ang daldal mo" walang emosyong sabi ni Winter

"Ano ka ba Snow! Ikaw anong pangalan mo?" nakangiting tanong ni Hailey

"Sabrina Gomez" pagpapakilala ko

"Sabrinaaaaa?" sabi ni Hailey ng nakangiti

"Bingi ka Hailey?" tanong sakanya ni Winter

"Kj talaga nento!" sabi ni Hailey at sumimangot "Sige Sab alis muna ko bibili lang ako ng pagkain" paalam niya "Wag mong pansinin si Snow, mataray yan" dagdag niya pa at tunawa. Siraulo ba to?

"HAHAHA! Sige alis muna ko ahh! Ciao!" paalam nito at umalis.

Haaay! Mababaliw ako pag yun palagi ang kausap ko.

Nagsimula na akong magayos ng gamit ko. Inilagay ko na yung mga damit ko sa cabinet ko. Nakita ko sa side table ko yung uniform at schedule ko nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko

"Sabrina" tawag ni Winter kaya agad akong lumingon. Nakita ko ang mga mata niyang nakatingin sakin. Wala ka man lang emosyong makikita sa mga mata niya. Ni isa wala.

"Bakit ka lumipat dito?" tanong niya

"Nakiki-out ako sa dati kong school" sagot ko

"Bakit sa Devils Academy ka lumipat?" tanong nitong muli

"Ewan ko. Dito ako dinala ng Daddy ko"

"Hindi ba alam ng tatay mo na delikado sa lugar na to?" sabi niya

"Kung delikado bakit ka nandito? Kayo" tanong ko sakanya

"May reason kung bakit kami nandito" sagot niya "Pero ang katulad mo ay hindi nababagay dito" saad niya

"At bakit naman?" tanong ko at itinaas ang kilay ko

"Delikado dito. Hindi mo kaya ang sarili mo" sagot ko

"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako ilalagay ni Daddy dito kung alam niyang hindi ko kaya ang sarili ko" sagot ko

"Binabalaan lang kita Sabrina. Humanda ka sa mga mangyayari" sabi nito at tinalikuran ako

Naguguluhan ako. Gulong gulo. Ano ang ibig niyang sabihin? Delikado dito? Bakit?

"I'm hooooomeeeee" sigaw ni Hailey

"Fvck! Ang ingay mo!" sigaw ni Winter

"Sorry na Snow. Tara kain na tayo" aya ni Hailey

Bumalik na ako sa pagaayos ng gamit ko. Nang nagsalita ulit si Hailey

"Tara na Sab kumain na muna tayo!" sabi nito at hinatak na ako

Nagsimula na kami kumain. Kada tingin ko kay Winter ay nakatingin rin ito sa akin na para bang sinusuri ako.

"Sarap ng pagkain Sab noh?" nakangiting tanong ni Hailey. Ngumiti lang ako bilang sagot

"Pagod si Sabrina Hailey, wag mo siyang guluhin" saway ni Winter

"Hmmm k" sagot ni Hailey at kumain na muli

Bago ako matulog ay iniisip ko parin ang sinabi ni Winter. Paanong delikado? Eh normal na skwelahan lang naman ito?

Normal nga ba talaga?

Devils Academy [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora