- Chapter Five -

1.2K 39 4
                                    

Jhet Felizardo.

Hindi muna ako umalis sa kinaroroonan ko. Tinanaw ko lang si Sabrina habang naglalakad papalayo

"Tss. Ngayon wala na siya pwede na kitang lumpuhin" napalingon ako sa nagsalita

"Bakit ba Rivera?" natatawa kong sagot

"Lahat pwede mong pakealamanan wag lang siya" sabi niya at lumapit sakin "Ano bang meron ka at pinagtanggol ka niya kanina" tanong nito

Ngumisi ako "Mas pogi daw ako sayo" sagot ko at tumawa

Nakita ko ang pagigting ng bagang niya "Chill ka lang dude" sagot ko at tumalikod sakanya

"Layuan mo siya hangga't maaga pa" binalaan niya ako

"Seryoso ako sakanya, hindi ko siya lalayuan" sabi ko at iniwan siya.

Sabrina Gomez.

Kinabukasan naglakad ako papuntang cafeteria ng humarang sa dinaraanan ko si Sander

"Gusto mo madagdagan pa yang pasa sa mukha mo?" tanong ko sakanya

"Hinahanap ka ni Rivera" walang emosyon niyang sabi

Tumaas ang kilay ko "Sino si Rivera?" tanong ko. Ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay kinaladkad niya na ako papuntang likod ng D.A

Naabutan ko sila Winter at Bakulaw na nandon

"Tss what took you so long?" naiiritang tanong ni Bakulaw kay Sander

"Sensya na dre" paghingi nito ng tawad

Nalipat naman agad ang tingin sakin ni Bakulaw kaya tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit pa ito sa kinatatayuan ko

"Miss Gomez right?" tanong niya. Ayan nanaman yung tingin niyang parang mangagain

Biglang may dumating na grupo ng babae at ang isa rito ay sumabit pa sa braso ni Bakulaw

"Siya na ba yun babe?" malanding tanong nung babae. Babe daw? Kadiri

"Oo siya na yun Casey" sagot naman ni Bakulaw

Tumaas ang kilay ko ng hinead to foot niya ako. Sus mukha siyang bakla sa make up niya

"Welcome to Devils Academy Ms. Gomez" sabi ni Bakulaw at umatras

Nagulat na lang ako ng pinagtulungan ako ng grupo nung Casey. May sumasabunot sakin, may nangangalmot, basta lahat sila sinasaktan ako

Gusto ko sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nang tignan ko si Winter ay nakatingin lang ito sakin na tila ba'y naawa. Tinignan ko siya ng tulungan-moko-look pero umiwas lang ito ng tingin

"Ano bakit hindi ka lumaban?!" sabi nung Casey at sinampal ako

"Ano ba?! Binatawan moko!" sigaw ko sakanya

"Anong bitawan?!" sagot nito at patuloy lang sa pagsuntok sakin

Feeling ko andami ko ng sugat at pasa sa katawan. Eto na ba yung sinasabi ni Jhet at Winter na delikado dito

Asan ka na Jhet? Sabi mo proprotektahan moko?

Hindi ko na kaya ang pananakit nila kaya lumaban nako. Pinagsisipa at pinagsusuntok ko yung mga alalay nung Casey, nang siya na lang ang natitirang nakatayo ay ngumisi ako

"Tapos ka na ba bitch?" nakangisi kong tanong "Ako naman" at sinugod ko na siya

Pinagsusuntok ko siya, sipa, sabunot, kalmot, kurot. Kung ano ano pa na ginawa niya sakin, puro sugat na rin siya sa mga ginawa ko ng biglang nagsalita si Bakulaw

"Tama na yan" maotoridad niyang sabi

Inilayo naman agad ako ni Sander dun sa Casey, at bigla itong tumakbo

Tinignan ko siya ng masama "Demonyo ka talaga!" sigaw ko sakanya ng hinihingal

Tinignan niya ako sa mata. Pero bakit yun yung nakita ko sa kanya, para bang naawa siya sakin

"Tara na" sabi niya at umalis na, sumunod naman sila Sander, ngunit bago umalis si Winter may sinabi muna siya

"I'm sorry" she mouthed


Hindi ko alam kung ilang oras na ako nandito. Nararamdaman ko na yung sakit ng mga sugat na ginawa ng grupo nila Casey. Mga hayop sila!

Unting unti na lang talaga ay babagsak na ako, ngunit narinig ko ang boses ni Jhet

"Shit Sabrina!" sigaw nito at lumapit sakin "What happened?" nagaalala nitong tanong

Tumulo ang luha ko "Wala ka nung kailangan kita" sabi ko ng humihikbi "Sabi mo proprotektahan mo ko" dagdag ko pa

"I'm so sorry Sabrina, I'm so sorry" sabi niya before everything went black.




~~~~~~~~~~~~~~
Goddess's Note: ang sabaaaaaaaw~

Devils Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now