- Chapter Nine -

1.2K 43 0
                                    

Sabrina Gomez.

Andito nanaman ako sa room nila Bakulaw. Hayst, totoo nga dito na ako.

Napaayos ako ng upo ng biglang bumukas ang pinto, baka andyan na si Mr. Jacobe

-_-

Sila Bakulaw lang pala

"Sabrinaaaaa!" etong si Sander parang boy version ni Hailey ehh

Tinignan ko lang siya ng walang emosyon

"Bakit?" tanong ko

"Wala si Mr. Jacobe tara cafeteria muna tayo" sabi nito at hinatak ako patayo

"Teka--"

"Tara naaaaa" sabi nito habang hinahatak ako palabas ng classroom

Lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin samin, pano ba naman ang ingay nitong si Sander at hawak hawak pa nito yung wrist ko

Nakasunod lang naman samin sila Joshua

Nang makarating kami sa cafeteria ay hinatak ako ni Sander papunta sa upuan nila

"Ano sayo Sabrina?" tanong nito habang nakangiti

"Hindi ako gutom" sagot ko

"Kaya malnourished ka ehh" sabi nito

Ano ako malnourished??! Asa!

"Anong malnourished?!" tanong ko

"HAHAHA payat mo kaya" sabi nito habang natawa

"Anong payat?! Sexy ako hindi payat!" sigaw ko

"Payat parin yun" sabi nito at tumayo na "Tara Reyes samahan moko, tulungan mokong magbitbit" dagdag pa niya at tumayo naman agad si Joshua

Ngayon ko lang narealize. Iniwan nila ako dito kasama tong si Bakulaw nato??!

Kala niya nalimutan ko na yung ginawa niya, huh?! Never! Dahil sakanya napalabas nanaman ako ng classroom, tagal na nung huli akong napalabas ehh, ayoko ng lumipat ng ibang school, mamaya ng dahil nanaman dito kay Bakulaw ehh makik-out ako ehh. Bwisit kasi kala mo kung sino!

"Kulang nalang dumikit yang mga kilay mo" napatingin naman ako sa harap ko

"Ano bang pake mo?" pagtataray ko

"Bakit ba ang sungit mo sakin?" tanong niya

"Bakit ba asungot ka sa buhay ko?" tanong ko rin sakanya pabalik

Naglean siya sa table kaya napalapit ang mga mukha namin

"Bitter ka parin ba?" napataas ang kilay ko

"Anong bitter pinagsasasabi mo dyan? Hindi ako broken hearted noh!" sagot ko

"Ehh bakit ang taray mo?" nakangising tanong nito

"Ehh ano bang pakialam mo??!" sigaw ko

"Siguro hindi ka parin nakamove on sakin? Sa paghalik ko sayo" nagpantig ang tenga ko sa narinig ko, ako pa talaga tinanong niya nan ahh!

Akmang sasabunutan ko siya ng nahuli niya ang kamay ko at hinila palapit sakanya

O_O

Yung posisyon namin ngayon, napakalapit namin sa isa't isa, yung isang maling galaw ko lang at mahahalikan ko na siya

"Gusto mo ng round two babe?" tanong niya

Manyak to ahh! Bastos

"Gago ka ba?!" sigaw ko

Devils Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now