- Chapter Two -

1.6K 67 6
                                    

Sabrina Gomez.

Maaga akong nagising kinabukasan. Naabutan ko si Hailey na naghahanda sa pagpasok

"Oh gising ka na pala Sab, antayin mo na lang matapos si Snow tapos sabay sabay na tayo kakain ng breakfast" sabi niya. Ngumiti lang ako sakanya bilang sagot

Hindi rin nagtagal ay lumabas na si Winter sa banyo kaya naligo din ako agad. Paglabas ko ng banyo ay dumiretso agad ako sa kwarto para magayos. Ng ayos na ako ay kinausap ako ni Hailey

"Tara na magbreakfast na tayo" aya nito at ngumiti

"Tara" sagot ko

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay nakarinig ako ng mga bulong bulongan

"Sino siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita?"

"Ang ganda niya girl"

"Tanga siya, pumasok pa siya rito"

Iba't ibang reaksyon ang naririnig ko, may maganda meron ding masama

"Wag mo na silang pansinin Sab" nakapout na sabi ni Hailey

"Ganyan yan sila pagmay baguhan dito" sabi rin ni Winter. Ngumiti lang ako sa kanila.

Cafeteria

"Anong year *munch* ka *munch* na Sab?" tanong ni Hailey na punong puno yung bibig

"Alam mo kadiri ka" sabi ni Winter

"Tss" sagot ni Hailey at umirap "Anong year ka Sab?" tanong ulit ni Hailey

"Junior High" sagot ko

Bigla namang lumungkot yung mukha niya "Ano ba yan Grade 10 lang ako" sabi ni Hailey

"HAHAHA okay lang yan" sabi ko sakanya "Ikaw Winter anong grade mo na?" tanong ko

"Senior" sagot niya

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng biglang bumukas yung pinto

"Kyaaaaah! Andyan na si Averybabes!" sabi nung girl

"Omoo andyan na!?"

"Kyaaah!"

Puro tilian ang narinig ko sa loob ng cafeteria nang dahil dun sa binalita nung babae

"Andyan na sila" sabi ni Winter at biglang tumayo

"Teka san ka pupunta?" pigil ko sakanya

Biglang bumukas yung pintuan ng cafeteria kaya lahat na tahimik

"Shit! Bitawan mo na ko" sabi ni Winter sakin

"Bakit san ka pupunta?" tanong ko

"Ms. Lee" ang laaaaaamig~ ang lamig ng boses nung nagsalita

"Mr. Rivera" sabi nito at medyo yumuko, ng tignan ko rin si Hailey ay yumuko rin ito. Kaya unti unti akong lumingon

O_O

Ang pogi. Ang pogi niya. Kaso mukha niya kong kakainin sa mga tingin niya ehh

"Ms?" sabi niya

"Ahh--ehh" nakakatakot yung mata niya

"Pagpasensyahan mo na Mr. Rivera, bago lang siya rito" sabat ni Hailey

"Hindi kita kinakausap Ms. Jones" geeeeez! Nakakatakot siya

"Mswhoeveryouare yumuko ka" utos niya na ikinakunot ng noo ko

"Huh?" nagtataka kong tanong

"Yumoko ka" sabi niya muli

"Bakit naman ako yuyuko?!" tumaas na ang tono ng pananalita ko

"Sab yumoko ka na lang" bulong sakin ni Hailey

"Ms wag mong gagalitin si Mr. Rivera" sabi ni Kuyang chinito

"Hindi ko naman siya ginagalit ah! Nagtatanong lang ako!" sabi ko at tumingin ulit Kay Mr. Rivera

Geeez! Nagaalab na yung mga mata niya. Parang anytime kakainin nya ko

"No one dares not to obey my command" may diin niyang sabi

Tumayo ako "Tinatanong ko lang naman ah!" sigaw ko

Naramdaman ko yung paghawak ni Winter

"Ms yumoko ka na lang kasi" sabi naman ni Kuyang ubod ng puti

"Hmmp! Bala ka nga dyan" sabi ko at mabilis na naglakad

Hindi pa ako nakakalayo nakaramdam ako ng maiinit na palad

"Wala pang tumalikod sa akin" sabi niya at hinarap ako sakanya

"Sino ka ba sa akala mo?!" kita ko sa mata niya at boses niya ang inis

"Wala!" sigaw ko sakanya

"Hindi mo ba ko kilala?!" tanong niya at mas hinigpitan ang hawak sakin

"Aray! Kelangan pa ba kitang kilalalin" sabi ko. Nanlaki na lang ang mata ko ng ilapit niya ang sarili niya saakin

"Oo kailangan mo" sagot niya

*smirk* "Eh pano kung ayaw ko?" sarcastic kong sabi

"Gugustuhin mo" sabi niya sakin

"Tss. Wala akong balak kilalanin ka" sabi ko sakanya

"Wala talaga?" mapangasar niyang tanong

"Oo wala tala--"

O_O

Omo!

Naramdaman ko na lang yung labi niya sa labi ko. Waaaaaah! First kiss kooo!

"Ngayon wala ka paring pakealam kung sino ako?" nakangisi niyang tanong. Nanatiling tikom ang bibig ko

"Bilis mo tol!"

"Idol talaga kita dre!"

Ngumisi lang ito sa mga naririnig niya.

"Bye Ms" sabi nito at nagsimulang maglakad

Parang bumalik ako sa katinuan ko

"Hoy! Ang sama ng ugali mo! Tarantado!" sigaw ko sa kanya

Lumingon siya at ngumiti "Well, I love you too babe" sagot nito at tuluyang umalis

Fvck! Takte siya!

"Sab ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Hailey

"Mukha ba akong ayos?!" sigaw ko sakanya

Tumawa ng malakas si Winter kaya agad kaming napatingin sakanya

"Namumula ka" bati niya sakin

Agad akong napahawak sa pisngi ko. Fudge! Mainit nga!

"Swerte mo nahalikan ka ni Mr. Rivera" sabi niya

"Tama Sab" dagdag pa ni Hailey

Tinignan ko sila ng masama

"Maswerte??! Anong sinwerte ko dun?! Ang baboy niya! Tarantado siya!" sigaw ko

Ngunit imbis na sumagot sa sinabi ko tumawa lang silang dalawa. Mga baliw!

Tumingin ako sa paligid at nakita silang lahat na nakatingin sakin

"Anong tinitingin tingin nyo??!" singhal ko. Lumabas na ako ng cafeteria bago pa ako makasuntok

Takte! Asungot sa buhay ko yung lalaking yun! Tarantado siya! Arggggg!

~~~~~~~~~~
Goddess's Note: Sorry sa bad words! *peace*

Devils Academy [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя