Chapter 1 - First Day

49.1K 1.1K 275
                                    

Note:

Chapters 1-5 might be boring kasi po pakilala ito sa mga characters and ito yung pamumuhay ng female lead natin so if you want pwede ding magstart sa chap 6 kung gusto niyo agad ng kilig kilig

Arabella's POV

"Mama pasok na po ako" paalam ko kay mama

"Ay anong suot yan anak! Alam ko namang mahirap tayo pero kahit papaano may kaya tayo magayos ka naman kahit kaunti" sermon sakin ni Mama

"Mama naman eh alam niyo naman pong ganito talaga ako magayos" explain ko naman

"Oh siya sige na anak baka malate ka pa pagsinermonan nanaman kita magiingat ka ha"

"Opo mama"

Sumakay ako agad ng jeep papuntang Dream Academy.

DREAM ACADEMY, ang school ng mga matatalino at makapangyarihang tao.

Pagkatapos kong makasakay ng jeep bumaba ako para sumakay ulit sa isa pang jeep kasi dalawang jeep ang sasakyan bago makapunta sa D.A. wala kasing deretso eh

Ako nga pala si Arabella Serene C. Lopez may kaya kami pero hindi kami ganun kayaman in scale 1 to 10? Siguro nasa 7 lang. Ang papa ko ay isang construction worker ang nanay ko naman ay may karenderya. 2 kaming magkapatid na pinagaaral nila mama. Grade 9 nga pala ako, third year highschool at first time ko makapasok sa private school. Hindi lang private school kundi ang pinakakilalang school sa buong pilipinas. Pangmayaman ang school na ito pero dahil matalino ako, nakapasok ako dito bilang iskolar hanggang makatapos ako ng highschool. Mabait naman ako, talented, maputi at maayos naman ako sa sarili. Ewan ko ba kung bakit laging umaangal mga kamaganak ko sa itsura ko eh natural lang naman ako. Masayahin at sabi ng iba maganda daw ako kung tatanggalin ko lang salamin ko pero sa tingin ko hindi naman talaga ako maganda eh with or without glasses. Kasi isa lang naman akong..

NERD.

Bumaba na ako ng jeep at pumasok sa D.A.

Shet parang mansion ang laki sobra

Excited na ako na parang kinakabahan pero pumasok na din ako

Teka bakit nakatingin sila sakin?

"Siya na ba yung bago?"
"Yuck ang panget naman nakakadiri yung itsura"
"Mukhang magnanakaw bes"

Ako? Nakakadiri? Bakit naman?

Ay baka hindi ako yun nevermind

Binuksan ko yung locker ko then nilagay ko mga gamit ko tapos pagkasarado ko, may biglang babae na humarap sakin. Maganda pero puro makeup

Be friendly ara be friendly ^_^

Di ako pwedeng mahiya

Gusto ko ng kaibigan

"H-hello g-good morning" bati ko sakanya

"Good morning your face. Hey beggar Why are you here?" Tanong sakin nung babae

Beggar????? Ang yabang naman nito kala mo maganda eh puro makeuo lang naman

"T-transferee ako" utal utal kong sabi

Nagring na yung bell

"Good morning dreamers please proceed to the gym to start the flag ceremony" sabi nung nasa speaker

"Well well nerdy ill see you later now go" sabi nung babae kaya nung paalis na ako bigla naman akong napatid

ON PURPOSE -_-

"HAHAHAHAHAHAH"
"Buti nga hahahahah"
"Nice one Philline!"
Sabi nung 3 babae na papunta dun sa philline tapos yung isa sinipa pa ako bago umalis

Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]Where stories live. Discover now