Chapter 60

12.9K 338 63
                                    

Fastforward 1 week after..

Arabella's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom

"Hoyyy sabay na tayo" sabi ni Gab tapos inakbayan ako

Tinanggal ko naman yun agad

"Oops sorry" sabi niya alam naman na niya na hanggang friends lang talaga kami

Naglalakad kami nang biglang tinawag si Gab pinapatawag daw sa office kaya naiwan akong magisa

"Tignan niyo dati si Jerome ngayon naman si Gab napakalandi talaga ng nerd na yan" narinig kong may nagbubulungan

Hindi nila alam ang kwento ko

Wala silang alam sa pinagdadaanan ko

Hindi nalang ako nagpatinag sa mga pinagsasasabi nila

"Malandi yang bagong campus princess natin dapat hindi na nanalo yan eh"

"Ewan ko ba kung ano nagugustuhan nila sa panget na yan malandi pa"

"HAHAHAHAH alam ko kung kanino nagmana yan"

"Kanino?"

"Edi sa NANAY niya HAHAHAHHAHA" sandali akong natigilan sa paglalakad nang marinig ko yun at napatingin ako sakanya kahit nagulat ako nang makita ko mung sino siya

Ay

Nilapitan ko siya

"Anong sabi mo?" Nanginginig kong tanong kay Heira

(A/N: kung nakalimutan niyo po kung sino si Heira siya po yung 1st runner up at campus princess nasa chapter 44 po)

"Bingi ka ba?! Sabi ko MALANDI ang NANAY m-" pinutol ko ang sinasabi niya dahil tinulak ko siya kaya napaupo siya sa lapag

"Wag na wag mong idadamay ang pamilya ko ayos lang sakin kung ako ang sabihan niyo ng masama ang hindi ko gusto ay yung dinadamay mo pati ang mama ko!" Sigaw ko

"Matapang ka na niyan?" Sabi ni Heira tapos nilapitan ako ng sobrang lapit

Pinisil niya ng malakas ang panga ko

"B-bitawan mo ko!" Sabi ko

"Kaya mo ko? Ha?!" Sabi niya tapos sasampalin niya sana ako

Nakita ko

Pero

Bakit parang

Hindi masakit?

"Nawala lang ako sandali may kung ano ano nang nangyari?" Sabi ni Gab habang hawak ang braso ni Heira mula sa likod

"Um Gab hindi totoo yun siya ang nanulak sakin masama yan bakit ba hindi nalang ako ang mahalin mo?" sabi pa niya

Tinignan ako ni Gab at binalik niya ang tungin niya kay Heira

"Its because you're ugly both inside and out" sabi ni Gab tapos hinatak nalang ako

"H-humanda ka sakin" narinig kong napakahinang bulong niya

"Are you okay?" Tanong ni Gab

"Oo okay lang ako salamat ah sige una na ako" sabi ko at dumistansya muna ako kay Gab

Gusto ko munang mapagisa ayokong nadadamay sila dahil saakin

1 week na silang ganyan nga nagbubulungan kahit saan ako pumunta

Sa isang linggo na yun ay masnaging close kami ni Gab sa isa't isa

Pero..

Ang pibakamasakot sa lahat ay..

Nerd NOON, Nganga Ka NGAYON [COMPLETED]Where stories live. Discover now