Twenty Eight

659 42 0
                                    

Chapter 28: Sana

You open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible.


~❤️~

KEEN

"Mag color orange tayo para maaliwalas sa paningin!" -pag suggest ni Jaze sa aming lahat.

"Kadiri 'to, 'wag orange. Mas maganda kung mag all black tayo para astigin." Sabi naman ni Cameron at sumang ayon naman sila doon.

Nasa meeting kami para sa nalalapit na pag perform namin, pinag-uusapan na kung ano yung susuotin dahil dalawang araw na lang ay Clash of Bands na.

"Ikaw Keen ayos na ba sa'yo 'yun? Panigurado pag okay sayo, malamang okay na rin kay Quin." Tanong sa akin ni Liam.

"Bahala kayo." Tugon ko sakanila, nagkibit balikat na lang sila at nag usap usap muli.

Nasaan nanaman ba 'yung saltik na 'yun? Lagi na lang siya late.

"Liam ba't nga ba yung kantang cinompose mo may pagka malungkot? Broken hearted ka ba?" tanong ni Cameron

"Hindi pa kasi nakaka move on kay Ad—" Hindi natuloy ni Jaze yung sasabihin niya dahil binatukan siya ni Liam. 'Tong gagong 'to napakaingay parehas sila ni Quin, di mapigilan yung bunganga.

"Sino 'yun Jaze? Bakit kilala niyo yan? Bakit ako di ko alam?" nagtatakang tanong ulit ni Cameron pero hindi na sumagot si Jaze dahil sinamaan siya ng tingin ni Liam. Samantalang si Jude ay nakikitawa na lang din.

Sus si Adira lang 'yun e.


Ilang sandali ay dumating na si Quin at sa di malamang dahilan nakasimangot pa.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa may tabi ko pero hindi tulad ng dati na ididikit pa niya ng pagkalapit lapit 'yung upuan niya sa upuan ko at kukulitin ako.

Medyo malayo siya sa akin ngayon kaya naman nakatingin lang kaming lahat sakanya.

"Woah, himala walang hi o smile kay Keen." -pang aasar ni Liam

"Hula ko, LQ kayo ano? Uyyy peg ebeg ne keye." Sabat ni Jaze. Naiirita ako sa gagong 'to napaka ingay.

Hindi sumagot si Quin sa mga pang aasar nila, nakasalampak lang yung noo niya sa lamesa kaya naman hindi na siya kinulit pa ng mga gago.

Ano nanaman bang problema nito?

Last time na ganito siya, tanda ko may dalaw pa siya. Baka nga gan'un?

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon