Thirty Two

532 34 6
                                    


Chapter 32: Pretty

Every time she laughs, she wish he's watching. Not so that he sees she's happy, but that maybe, just maybe he'll fall for her smile just as hard as she fell for his.


~❤️️~
QUIN

"Hi good morning sa inyo!"

Binati ko sila ng may malapad na ngiti pagkapasok ko agad ng music room. Napatingin naman sa akin sila Liam ng nagtataka.

"Ang ganda ata ng umaga mo Quin, kayo na ba? Official na?" tanong ni Jaze sa akin. Tinignan ko siya at umiling.

"Hindi 'yun Jaze! Masaya ako kasi hindi pa rin ako maka get over na tayo yung nanalo! Pero pwede rin namang mangyari yang sinasabi mo kung sasagutin na ko ni Keen." Tinignan ko si Keen pero hindi niya ko pinansin, nakatuon lang yung atensyon niya sa cellphone niya at mukhang may nilalaro pa siya.

Snob ako! Hmp.

"Ayos lang yan Quin, kasama ka sa prayers ko pag dumadaan ako ng Quiapo church"

Jaze patted my back kaya naman sinimangutan ko siya.


"Luh! Ang daya mo naman Keen!" biglang sumigaw si Cameron mula sa kinaroroonan niya, nginisian siya ni Keen kaya naman nagtaka kami nila Jaze sa ginagawa nila.

Nilapitan ko si Cameron at nakita kong naglalaro din siya ng katulad ng nilalaro ni Keen. Kumunot yung noo ko habang pinapanood siya.

"Ano yan?"

"Mobile legends—Aish! Patay nanaman!" sumigaw siya ng may halong pagkadismaya. Samantalang si Keen ay nakangisi pa rin at mukhang enjoy na enjoy pa sa ginagawa niya.

"Ang weird niyo." Bulong ko pero mukhang narinig ni Keen yun kaya tinignan niya ko ng seryoso. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti pero wala pa rin, seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Bato talaga 'tong lalakeng 'to!

Ilang sandali lang ay pumasok na si Jude kasama si sir Matt, binati siya nila Jaze at nginitian naman niya ito.

"Hi Jude!" Bati ko sakanya, tumingin siya sa akin at nginitian ako ng konti matapos nun ay umiwas na siya ng tingin.

Huh? Anong nangyari? Galit ba siya sa akin?

Sinundan ko ng tingin si Jude habang umupo siya sa tabi ni Liam at nakipag kwentuhan. Umiling ako sa naisip ko. Imposible namang magalit si Jude sa akin, siya kaya yung pinakamabait na taong nakilala ko.

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa ang isang nilalang na nakapanira ng araw ko.

"Hello Keen! Congrats pala!" tumabi si Adira kay Keen pero si Keen ay nakatingin lang sakanya

Anong ginagawa niya dito?!

Nakatingin ako sakanilang dalawa kaya siniko ako ng mahina ni Jaze

"Uy nangangamoy bulalo" bulong niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin at pinalo ng mahina sa braso.

"Ewan ko sa'yo Jaze!"

Tumawa siya ng mahina at pati na rin sila Cameron ay nakikitawa na rin, samantalang si Jude ay blangkong nakatingin sa akin.

Biglang nagsalita si sir Matt kaya natigil ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa.


"Siguro naman alam niyo na ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag ngayon." Sabi ni sir Matt habang nagsasalita siya sa harap naming lahat. "—Congatulations sa atin! Sa wakas, after three years naging champion ulit ang school natin sa COB (Clash of Bands) at dahil d'yan, magkakaron tayo ng outing sa Friday hanggang Monday!"

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon