Twenty Nine

647 42 9
                                    


Chapter 29: Lucky Charm

You can have anything you want in life , you just can't have everything you want

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You can have anything you want in life , you just can't have everything you want.


~❤️~

QUIN

"Aish ang daldal mo talaga Quin yang bunganga mo hindi mo mapigilan lagi!"

Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang nagmumukmok kanina pa.

Pano ba naman kasi! Nadulas pa ko kanina kay bebe Keen ko, bakit ko ba kasi nasabi 'yun? Gusto ko sana aamin ako sakaniya 'yung romantic naman! Yung tipong may bubbles pa sa paligid tapos tumutugtog yung Born for You. Tapos sa sobrang romantic, siya rin aamin na mahal niya 'ko. Omo!

Kaso panira talaga yung bunganga ko!

Sinabunutan ko yung sarili ko, kahit na mukha na 'kong baliw dito tanggap ko naman na baliw na 'ko, baliw kay Keen ❤️


Kinuha ko yung phone ko at tinitigan yung picture naming dalawa na wallpaper ko pa.

Ang gwapo gwapo talaga ng honey my loves so sweet ko! Kung pwede lang gayahin yung sa facebook, yung kada makikita ko siya mag-re-reaction ako ng puso tapos sasabog ng maraming puso ahihi.

Sa sobrang kilig ko ay hindi ko namalayan na napindot ko yung call.

Nag panic ako at akmang i-e-end na yung call pero bigla niya itong sinagot kaya naman halos lumundag yung puso ko.

SINAGOT NI KEEN YUNG TAWAG KO!

Napabangon agad ako at napaayos ng upo saka inilagay yung phone sa tenga ko.


"H-Hello"

"Bakit gising ka pa?" sabi niya sa kabilang linya. Ang gwapo pa ng boses niya!

"Ano kasi, hindi ako makatulog. Eh ikaw bakit gising ka pa?" tanong ko sakaniya

"May iniisip lang"

"Iniisip mo ako ano?" pabiro kong sabi sakaniya, narinig ko naman na tumawa siya ng mahina sa kabilang linya.

Hindi siya sumagot kaya naman nanatili kaming tahimik. Naging awkward ata?

"Ah sige Keen, good night na! mukhang inaantok ka na kasi. Bye!" ibaba ko na sana yung tawag pero bigla siyang nagsalita.

"Quin.."


Para akong nakuryente nang tawagin niya yung pangalan ko, kinikilig talaga ako kapag tinatawag niya ko gamit ng pangalan ko <3

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon