Thirty Three

543 32 4
                                    

Chapter 33: Enjoy the ride

It's a lot easier to say you're mad than to say you're hurt

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

It's a lot easier to say you're mad than to say you're hurt.


~❤️️~

QUIN

"Eeeh sige na please sumama ka na Hads!"

Kanina pa ko please ng please kay Hadley na sumama sa akin sa outing, ayokong dalawa lang kami ni Adira na babae doon baka i-bully ako n'un!

"Ano ba Quin! Hindi nga pwede, mag-re-review ako!"

"Pero—"

"Shh! Ikaw ha, ngayon na nga lang ako mag-re-review ng matino hahadlangan mo pa? B.I ka ah!"

Nag-pout ako at sumimangot, kasi naman huhuhu.

Tinignan ako ni Hadley ng parang nandidiri.

"Labas na! Nag aaral nga ako para sa future ko aba! Si Blair ang kulitin mo d'yan!" Tinulak niya ko palabas ng kwarto niya, sakto ng pagkalabas ko ay lumabas na si Blair sa kwarto niya na mukhang bagong gising pa.

"Ang aga aga nag-aaway kayo." Sabi ni Blair sa amin, tumakbo ako papunta sakanya at kumapit sa braso niya.

"Waaah Blair! Sama ka sa outing namin huhu."

"Outing para saan?" tanong niya habang humihikab pa.

"May outing sila ng banda niya gawa nung pagkapanalo nila, kaso kanina pa ko kinukulit n'yan na sumama para daw may kasama siyang babae, kasama daw kasi si Adira baka daw kabugin ganda niya."

Sinamaan ko ng tingin si Hadley pero nag belat lang siya sa akin. Meanie!

"Ah kailan ba yan, Quin?"

"Sa Friday! Waah sama ka na Blair."

Napatigil si Blair at parang nag-aalangan pang magsalita, napabuntong hininga siya at hinarap ako.

"Sorry Quin may lakad kasi ako n'un."

"Eeeeh! Cancel mo muna yan Blair!" halos maglupasay na ko sa sahig, makasama lang isa sakanila pero mukhang malabo ata.

"Hindi pwede Quin, nangako na ko sa taong 'yun."

Tumingin kami ni Hadley sakanya kaya natigilan siya.

"Sino naman? Hoy may date ka 'no?!" asar ni Hadley sakanya

"Sira! Wala ah"

"Weh? Eh bakit namumula ka?" tinusok tusok ni Hadley yung tagiliran ni Blair kaya napatalon siya at hinampas ng mahina si Hads sa braso. Humagalakpak naman si Hads ng tawa ng parang buwang.

Napatingin sa akin si Blair kaya nalungkot yung expression niya.

"Hoy Hads samahan mo na si Quin."

ChiaroscuroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora