To say that the situation at home influenced one's way of life outdoors in social aspects, is somehow an understatement. Mas napatunayan ko lang ito ngayon dahil sa nangyari. I so much looked up to the elders weaving a presumption that what they do is okay. So it's okay for me to walk their way, too.
But there's one point in our lives that changes those notions. Isang pangyayari lang at masasabi mong mali pala. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang ginagawa ng taong tinitingala mo.
We often forget the fact that nobody's perfect, that even the kindest people make mistakes.Even the ones you thought would shame the saints who could do no sin disappoint people, too.
Ironic how one petty mood swing and inhibition could affect an awful lot. It's the reality to my metaphor of a single flick of a small match that created a wildfire.
"That was a low blow, Ruth. Their band is a far cry from being good for nothing!"
Buntong hininga ang isinangga ko sa disappointment ni Erika. I told her what happened before speculations could get the best of us.
Pangalawang araw pa nga lang ay tinatanong na ako kung bakit hindi na kami magkasama ni Dean. Their questions dragged on the third day hanggang sa bumuo na sila ng sariling haka haka.
I ignored everything. Iba-iba rin ang naririnig kong tsismis na may iba siyang dini-date. I know that's not true but still, it hurts. Kasi may posibilidad na baka hindi na iyon maging tsismis.
"I saw her with Lucia in the canteen. Nagtatawanan pa nga sila, e."
Kung bulong man ang maitatawag iyon ay hindi ko alam dahil naririnig ko pa rin naman. Or maybe my classmate just wanted me to hear it. She's not even speaking English. Muntik ko na siyang i-report but I changed my mind.
Mabait pa ako niyan.
Nahihiya akong aminin na inaabangan ko ang paghihintay niya sa labas ng classroom kada recess at dismissal. These things should not occupy and exhaust me. Wala akong maintindihan kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko. It's depressing me for days.
Kahit ganon ay nagpaturo ako kay Sue na gumawa ng kahit anong pasta recipe. Maybe with this, he'd consider my apology. Aaminin kong kasalanan ko. Dean's not as harsh as he looks. Kaya confident akong bukas ay bati na kami.
"Dean..."
Nalulunod ako sa pag-asa sa paglapag ko sa tupperware laman ang paborito niya. He likes anything pasta.
"It's a...uhm...Fetuccine Alfredo with bacon..." mahina kong sabi. Ayaw niya sa gulay so Sue suggested to have bacon instead.
Sumadya talaga ako rito sa likod ng senior building. Siya lang ang nakaupo sa lupa, nakasandal ang likod sa pader at naninigarilyo. All the buttons of his polo are open as if inviting for the beholders to drink in his lean torso.
Tipid kong ningtian ang mga kabanda niyang tahimik na nag-aabang sa kanyang kilos. Lahat sila ay nasa tapat ni Dean na parang masusunog kapag tatabi sa kanya.
Tumikhim si Cash at naglihim ng ngiti. Kinunutan ko ang suot niyang blue headband.
Niyayakap ko na ang sarili habang tumatagal na hindi ginagalaw ni Dean ang tupperware. He stared at it as if it's the strangest object. Naisip ko na ngang dinudurog na niya ang pagkain sa tingin pa lang.
"I'd rather you entertain your suitors. They're waiting for you." The cold in his voice wrapped around my gut.
"What the fuck, man?" si Cash na halata ang gulat sa ginawa ng kaibigan.
"Dean Cornelius!" Walang nagawa ang tawag ni Skyler nang tumayo na si Dean.
Pagkatapos pagpagin ang khaki pants ay diretso siyang umalis. My face was being painted white to result to a blank canvass. Kasing blanko ng tiyan kong sinukluban ng guwang.

YOU ARE READING
THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2
RomanceWild, young and free... Madalas kapag sa murang edad nagsisimula ang isang relasyon, hindi gaanong siniseryoso ang mga bagay-bagay; Rash decisions, immature mindset, juvenile beliefs...but one man excluded himself among those who believe in the theo...