They lost the competition. Dean was drunk throughout the performance only adding to the scrape that was his row with Wilmer. Hindi ako nagpakita hanggang natapos ang show ngunit hindi ko na siya nagawang lapitan. Maliban sa naduwag ako, the bevy of girls swarming him was too intimidating to think that they lost.
That was my last memory of Dean. While his last memory of me was my tears and my lips on his best friend's.
Who is now browbeating me with his glare na hindi ko alam kung pinaplano na ang pagkonsidera sa pabor ko o hinahatid na ako sa aking huling hantungan sa isip niya.
"Fine," Wilmer finally spoke. "But not now."
Bumugso ang protesta sa loob ko. Napatuwid ako ng tayo. "Bakit?"Umatras ako nang lumapit ulit siya pasan ang mahigpit na tingin. Dumilim lalo sa pwesto namin sa paraan ng kanyang paninitig.
" Sa tingin mo makakapuslit pa siya ng kahit isang segundong makausap ka? Aside from the shock of seeing you again, not to mention how he's still holding you in contempt, he's busy interacting with his fans."
May nabanggit siyang naging panggatong sa tapang ko.
"Now you mentioned how he's still holding me in contempt. Kanino kayang kasalanan iyan, Wilmer?" binahagi ko ang lakas ng loob sa aking tono.
Inasahan kong sinabi niya ang totoong nangyari noon. That he kept me from coming clean and that stupid stunt of kissing me. And I hope Dean listened. That could have lessen his hate on me.
Agad tumikom ang bibig ni Wilmer upang paigtingin nang maigi ang panga. Iyon pa lang ay alam ko nang hindi nangyari ang pag-amin. Dissapointment surfaced not just from me. Nagbaba siya ng tingin, maybe realizing only now what he'd said and regretted it so badly.
Isang kilay ko ang umangat at pinaigting ang aking halukiphip. Pakiramdam ko nanalo ako sa isang debate sa unang pagkakataong nakikita ko siyang tumaob.
This guy never really liked me and I know there is more than seeing me as a threat on the band. Either he's gay at may gusto siya kay Dean, o ayaw lang talaga niya sa akin.
We can never control our dislike towards other people no matter how kind they are. This is just one of the truths in life where other than we can love, we can also hate inexplicably.
Bahala siya. Tatanggapin kong pagkaayaw niya sa akin as long as I get to talk to Dean. Tutal ay siya naman ang mas mamomroblema dahil hindi ko siya suliranin. So why should I bother stress myself over him? Kahit ga-hibla nga ng buhok namin ay hindi close.
Sa muling pag-angat ng paningin niya ay hindi ko akalaing maisasabuhay ang sinabi ko. He's wearing the problem like a mask.
"Ruth, please...I will help you pero hindi muna ngayon."
Hinihila bira ako sa pagitan ng gulat na nakiusap siya sa akin at sa sinabi niyang tutulugan niya ako. Tinitimbang ko ang sincerity sa kanyang boses at mga mata. I ended up relying on his voice. Masyadong misteryoso ang mga mata niya upang mahanapan ko ng katotohanan.
This cold man infront of me that probably was the descendant of ice age, the last stunt he did ruined Dean and I. Kaya hindi niya ako masisi kung hirap akong pagkatiwalaan siya.
"Fuck, right," bulong niya at mariing pumikit. Sinuot niya ang cap bago ako muling binalingan. Now he seems more frustrated.
"Give me your phone." Naglahad siya ng kamay.
Tinignan ko iyon. "Why should I?"
"Just give it, Ruth."
Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Kahit hindi pa buo ang tiwala ko sa kanya ay sinunod ko ang kanyang sinabi. I won't lose anything in trying anyway 'cause once this ends up being his trap again, he's going to regret even doing so.

YOU ARE READING
THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2
RomanceWild, young and free... Madalas kapag sa murang edad nagsisimula ang isang relasyon, hindi gaanong siniseryoso ang mga bagay-bagay; Rash decisions, immature mindset, juvenile beliefs...but one man excluded himself among those who believe in the theo...