Chapter 16

474 37 7
                                    

Drazz's POV

Kumindat ako sa salamin bago kuhain ang bouquet na nasa gilid nang kama ko. Maraming tumatakbo sa isip ko katulad na lang ng ;

'Magugustuhan kaya nya toh?'

'Paano kung ayaw nya nang bulaklak?'

'Paano kung di nya ako sagutin?'

'May pagasa kayang maging kami?'

At kung ano ano pa, tsk. ano bang ginawa mo sakin Dark? It's only been a few month since I met you but you already steal my heart.

Sumulyap ako sa sarili ng huling beses at lumabas. This is it pancit!

Dark's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sakin ang isang pulot nang blue roses. I felt an overwhelming happiness while looking at it. It's my favorite flower, the one that bring me comfort.

Binaba ng may hawak ang bulaklak at nakita ko ang makalaglag panty na ngiti ni Drazz. literal hehe. charot!

Ano toh 2 in 1? may flowers na, may hottie pa!ang swerte mo talaga Dark! Pinagpala ka nga talaga ng dyos!

"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong kahit ang totoo ay masaya naman akong sya ang una kong nakita pagkagising ko.

Bahagya nyang hinalikan ang kamay ko at inabot sakin ang rosas. Namula ang buong muka ko dahil sa ginawa nya, eto siguro ang dahilan kaya maraming nagkakandarapa sakanya. well hindi ko din naman sila masisisi, gwapo si Drazz pero akin lang sya!

Ay weh? ano daw? charing lang!
Malakas lang talaga ang topak ko ngayon.

"For you."

Napangiti ako, paano nya kaya nalamang paborito ko toh?

"Drazz, paano mo nalamang gusto ko ng ganito?"

Tiningnan nya ako at bahagyang kinindatan

"Boyfriend Insticts."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Walangya kinikilig ako!

"Abno! hindi tayo noh!" Nagpout sya dahil sa sinabi ko. Ang cute!

"Sabi ko nga eh."

Tumalikod na sya at akmang aalis na pero napigilan ko sya. Ang arte naman nito, grabe umasta si Koya.

Boyfriend? ha boyfriend? pfft.

Nilingon nya ako at nagtatakang tiningnan, ngayon ako naman tong di makatingin sakanya.

"A-Ah pasok muna, may hinanda akong pagkain. "

Syempre, baka kasi mapangitan sya sa lasa nang luto ko but still I invited him.

Lumaki ang ngiti nya at tuluyang humarap sakin.

"Ako palang ba ang unang lalaki na makakatikim sa luto mo?"

Kahit nagtataka ay tumango ako, problema nito?

Dahil sa sagot ko ay masaya nya akong hinila papasok sa dorm room namin.

Eh? Moodswings? May regla?

--

Busog na humarap sakin si Drazz, napasimangot ako dahil kalakilaki na nya ang kalat pa nyang kumain.

"May dumi sa gilid nang labi mo."

Kumuha ako ng tissue sa gilid ko at pinunasan ang labi nya. parang bata.

Dun ko lang napansin na ang lapit pala namin sa isa't isa. Agad akong lumayo sakanya at umupo sa harapan nya though hindi ito ang first time, it turned akward cause he's formally courting me.

"A-Ano..Sorry."  I said

Nginitian nya ako

"It's okay."

Namayani ang katahimikan sa buong kusina kaya nagisip nalang ako ng topic.

"Drazz, bakit mo nga pala tinanong kung ikaw palang ba ang unang lalaki na nakatikim sa luto ko?"

Nilingon nya ako at nginitian

"Naisip ko lang kasi..hindi ako ang unang manliligaw mo, hindi din ako ang unang magiging boyfriend mo, at mas lalong hindi ako ang first kiss mo. kaya kung pwede sana, gusto kong makuha lahat nang natitirang first mo, para manlang maipagmalaki ko na naging parte din ako ng buhay mo sa mas maagang panahon kesa sa ibang tao."

Namula ang mukha ko dahil sa sinabi nya, lahat nang natitirang first ko?ibig sabihin gusto nya din ang Virginity ko?!

Natawa sya dahil siguro nahalata nya kung anong iniisip ko.

"Wag ka magaalala, gagawin lang natin ang iniisip mo pag kasal na tayo." kumindat sya sakin na mas lalong nagpamula ng mukha ko. Tangina nasan na yung player na version ko? Ganto ba pag may gusto? Pa-Maria Clara?!

I raised my middle finger saka sya binatukan.

Natatawa syang lumayo sakin.

"Halika na, baka malate pa tayo sa klase." nakangiting sabi nyaz

Tumango lang ako sakanya at kinuha na ang bag ko. Kinuha nya yun mula sakin kaya pinabayaan ko nalang sya, he's my suitor afterall. susulit-sulitin ko na muna!

***
Hinalikan nya ako sa noo na ikinapula ng pisngi ko bago ako pumasok ng room.

Damn you Drazz! di kaya ako magkadiabetes sa sobrang tamis nya nyan?

Tsk!

Nginisian nya ako bago ako pinapasok sa loob, masamang tingin ang ipinukol ng mga babaeng kaklase ko sakin.

Problema nila?

Inirapan ko lang sila at dumiretso nalang sa upuan sa pinakadulo. Pakiramdam ko sobrang bagal nh oras.

dumating ang guro namin pero hindi ako nakikinig. I sighed for the 9nth time. Punyeta ang bagal talaga nang oras!argh!

40..

35..

20..

13..

10..

9..

8...

WAAAAHH!!!BAKIT BA ANG BAGAL?!

7..

6..

5..

4..

3..

2..

1..

*KRRRIINNGG!!*

Agad akong lumabas ng room expecting to see Drazz pero wala sya dun.

Napasimangot ako, pfft, naghintay pa naman ako ng matagal tapos wala naman pala sya.

Aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko.

"Wha--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ang nakangiting mukha ni Drazz sa harap ko.

"I never expected that you misses me."

Namula ang muka ko dahil sa sinabi nya

"W-Wag ka ngang assuming! hindi kita namimiss noh!" tanggi ko

Kahit na ang totoo ay miss ko naman talaga sya. Ipokrita tayo dito noh!

Ayoko sabihin, baka mapundirya ang plano kong pahirapan sya tsk.

"Sige sabi mo eh." nakangisi nyang sabi saka ako inalalayan sa bewang. Sus nang-asar pa!

Bwisit bakit ba kasi may subjects na hindi ko siya kasama? college is fuck up.

XOXO

Gangster's Territory ( U N D E R R E V I S I O N )Where stories live. Discover now