Chapter 47

431 32 1
                                    

Dark's POV

Magisa ako ngayon sa tabingdagat habang iniintay si Drazz na matapos sa pagluluto. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang hindi pa kami magkakilala, parang kahapon lang nasaktan ako dahil akala ko pinagpalit nya ako sa iba, parang kahapon lang, wala pang TD.

Yung tipong hindi ko kailangang mag-alala sa pagpatak ng bawat segundo dahil alam kong marami pa kong oras para makasama sya.

Parang kahapon lang, sigurado akong ako ang mapapangasawa nya.

It's our 6th day here, pakiramdam ko bawat segundo, minuto, oras at araw na lumilipas ay mahalaga, onti nalang.

Masisiguro ko na ang kaligtasan nya. Saglit na lang Drazz, maiiwas na kita sa kapahamakan na dala ng pagkatao ko. How I wish I can stay beside you until I die, still I promise that i'll always watch over you, kahit masakit, kahit harap harapan mo na kong nasasaktan pero hindi mo alam, How ironic dahil kahit na iligtas kita may consequences parin.

Naglaho ang malamig na pakiramdam na dala ng simoy ng hangin nang maramdaman kong kinulong ako ng lalaking mahal ko sa bisig nya.

"Hey, are you crying?"
pinunasan ko ng pasimple ang luha ko at nag-guhit ng isang pekeng ngiti sa labi.

"No, napuwing lang, mabuhangin kase eh."

Natawa sya dahil sa sinabi ko, makikita ko pa ba ang tawa mo pagkatapos ng magagawa ko?

"Ikaw kase, I told you dapat sa loob ka nalang naghintay."

"It's too hot in there!" I exclaimed and pouted

He pinched my cheeks and kissed me on the lips.

"Andun kasi yung napakagwapo mong boyfriend."

Nagrolleyes ako dahil sa sinabi nya, ang hangin talaga! pero well, pogi naman talaga sya eh. tas sexy pa, tas magaling pa! Charot! ang dami kong kasalanang nagawa pero biniyayaan parin ako ng ganito kagwapo. Thankyou Lord!

Nagtawananan nalang kami at sabay na pumasok sa loob ng resthouse.
labas palang ay amoy na amoy ko na ang bangong dala ng pagkaing hinanda nya.

Boyfriend ko ba talaga toh? parang ang swerte ko naman!

Nang humupa ang tawanan naming dalawa ay tahimik nyang hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa table.

"Alam mo Dark, marami pa akong planong gawin kasama ka. I still want to marry you, kahit siguro ilang beses pa maulit toh ikaw parin ang pipiliin ko. I can imagine you carrying our child and I'm beside you forcing you let me name him." He chuckled

"Even though our love story started the wrong way because of our wrong principles, hindi ko parin mapagkakakaila na sa lahat ng babaeng nakasama ko ay ikaw lang, sayo lang ako nakaranas ng ganito. Word's are not enough for me to describe my feelings for you, binabaliw mo ko babe..baliw na baliw sayo."

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi nya, I never thought that he feels this way. Mas lalo lang tuloy ako mahihirapan na saktan sya. Why do I need to pick? Wala bang ibang choices? Pwede bang maging selfish?

Lihim akong napangiti ng mapait, kabayaran toh sa lahat ng pusong winasak at niloko ko. Nakakatawang isipin pero ang kapalit ng sandamakmak na pusong yun ay puso ko at ang kasiyahan ng taong minamahal ko.

Umiling nalang ako at mabilis na hinagkan sa labi si Drazz. Nang makalayo sa kanya ay pinilt kong maging masayang.

"Ano ka ba! Syempre magpapakasal pa tayo noh! Tsaka kung maka-him ka naman parang siguradong sigurado ka ng lalaki ang magiging anak natin! mas maganda ang girl noh, para naman may makarelate saken!" malokong sagot ko

Tumawa nalang sya at ginulo ang buhok ko.

"Ah basta lalake ang gusto ko! baka pag may umaligid na lalake sa babae nating anak makulong pa ko."

***

Hapon na nang lumabas ako mula sa kwarto ni Drazz. Natutulog sya sa kasalukuyan at binabalak ko namang magluto ng merienda naming dalawa. I'm currently planning to open the stove when my phone rings.

Kinuha ko ito at nakita ang isang unregistered number. I answered the call confusely.

"Hello?"

"Oh Hi My dear! ano? kamusta na? nakaisip ka na ba ng paraan para hiwalayan yang boyfriend mo? You know what I changed my plans! ang gusto ko, pagkatapos kitang patayin, ako na ang papalit sa pwesto mo! ako na ang mamahalin ng boyfriend mo!ako na din ang papatahanin nya sa tuwing umiiyak ako , ako na rin ang papaligayahin nya sa tuwing sasapit ang buwan at ako.. ako na ang magiging ina ng mga anak nya at magiging asawa nya! oh ano? magandang plano hindi ba?"

Naginit ang ulo ko dahil sa ilusyon nya! Babae pala tong gagong toh.

"Tigil-tigilan mo ang pagiilusyon demonyita ka! hindi ako si black vampire para sa wala! at mas lalong hinding hindi kita papayagan na landiin ang boyfriend ko! kung ginagawa mo lahat ng to para makamot yang makati mong puke aba humanap ka ng ibang lalaki! kung hindi ako sasaya, malamang ay hindi ka din sasaya!" sigaw ko sakanya bago binaba ang tawag

Napaupo ako sa lapag dahil sa galit. Mabilis ang tibok ng puso ko pati narin ang pag taas at baba ng dibdib ko..napahawak ako sa stool ng kitchen ng may mapagtanto..

Kilala na kita TD, hindi mo na ako matatakasan.

XOXO

Gangster's Territory ( U N D E R R E V I S I O N )Where stories live. Discover now