Oh My Gay I

1.2K 36 4
                                    


"Keri na yan."

Napatigil ako sa paghigop ng ramen, dahil sa narinig ko sa kabilang table.

Dahan dahan akong sumulyap sa nilalang na nagsalita.

Jusme.

Ang pinakamakalaglag panty na kagwapuhan ay akin ng nasaksihan.

Isa siyang anghel na bumaba mula sa langit para sunduin ako at dalahin papuntang heaven.

Para siyang nagliliwanag sa paningin ko.

Landi.

P-pero b-bakit pang beki ang linguwahe ng gwapong ito?

Tumingin siya sa dako ko kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya at umaktong kumakain.

Mukha namang hindi niya napansin, kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pinagmasdan ko siya.

Nakikita ko na ang maganda kong future. Rawr!

Humigop akong muli habang nakatitig sa kanya.

Yummy.

Napatigil ako sa kalandian ko nang mag ring ang bell, hudyat para magmadali na akong kumain dahil terror ang prof. ko sa susunod kong klase.

Sumulyap muna ako sa hot na anghel na 'yon bago lumabas ng Cafeteria.

Ang gwapo, bwisit!

•••

"You're late, Miss Maxine Red."

"Miss, I'l----

"I don't need your excuses. Here." Kalmado niyang inabot ang detention slip.

Habang ako, gusto na siyang sabunutan.

'Yung wala akong ititirang buhok sa kanya, kahit pubic hair.

One minute nga pala akong na late, share ko lang.

Sinaraduhan niya ako ng pinto sa harap ng mukha ko. As in, sa mukha ko.

Kalma, Max.

Calmness is a virtue too.

Padabog akong naglakad papunta sa office. First time kong ma-detention dahil sa terror na 'yon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may sumigaw ng pangalan ko.

"Ms. Red?" Nilingon ko ito.

Damn.

Patakbo itong lumapit sa akin.

Napatingala naman ako dahil ang tangkad niya.

Teka, nasaan ang dila ko?

At bakit siya nandito?

Yayain na niya akong gumawa ng forever?

Tapo---

"Ah... Ms. Red?" Winagayway niya sa mukha ko yung detention slip kaya napakurap ako.

"Ah-- ha! Haha Pasensya na."

Mabilis kong kinuha yung detention slip ko sa kanya. Bakit ba 'di ko napansing nalaglag 'yon?

Nalaman niya pang na detention ako.

Nakakahiya.

"A-Ah Salamat." Nginitian ko siya at naglaho na parang bula.

Hindi ko kasi alam ikikilos ko kasi baka ma turn off siya.

At seryoso,

Sa buong buhay ko, sa kanya lang ako na concious.

•••

Oh My Gay?Where stories live. Discover now