Oh My Gay II

412 12 1
                                    

Shit.

"Shit. Shit. Shit."

Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, siya pa ang makakasalubong ko?

Si Ma'am Teraryo.

Ang propesor na not-so-halang-ang-kaluluwa.

Medyo lang.

Hindi ko alam kung bakit lagi niya akong pinapahiya at pinag-iinitan. Sa loob ng klase man, sa hallway, o sa buong school.

Bago niya pa ako makita, dali-dali na akong lumihis ng ruta at pumasok sa isang silid.

Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit sumikip muli nang mapagtanto ko kung saan ako napadpad.

"Shit. Sorry. Sorry!" mangiyak-ngiyak kong paumanhin sa taong nandito habang nakatakip sa mata ang mga kamay.

Bakit napakamalas ko ngayon?

Ang tanga tanga ko!

"Sorry talaga." dahan-dahan kong kinapa ang door knob at mahinang pinipihit para makalabas.

At dahil sobrang malas ko, 'di ko nabuksan.

DI KO MABUKSAN.

"Ni-lock mo kasi" paninisi nung lalaki sa loob ng silid.

"sira pa naman 'yung lock niyan." nanlaki ang mga mata ko't napatingin sa kanya.

Nagulat ako dahil sira yung lock nung pinto pero mas ikinagulat ko nang makita ko ang lalaking kasama ko ngayong makulong sa men's restroom.

"SORRY TALAGA!" Napahilamos ako sa sobrang kahihiyan.

Major, major turn off na naman siguro siya sa katangahan ko.

Pa'no na ang lovelife ko?

"Okay lang yun."

Napatigil ako't napatingin sa kanya.

Anong okay lang yun? Gago ba siya?

Napansin niya sigurong kumunot ang noo ko kaya bahagya siyang ngumiti.

"Okay nga lang sabi."

Shit, ang gwapo niya bakit ganon?

At...

At...

Okay lang sa kanya yun.

Alam niyo yung feeling na nag-party bigla ang mga blood vessels niyo at nagka-cramping yung puso niyo?

Tapos may biglang pumasok na mga paro-paro, at nagsiliparan sa loob ng tiyan niyo?

Ganon.

Ganon na ganon yung pakiramdam ko ngayon.

Totoo pala yun?

---

[GRAE]b

Bakit kaya ang tanga niya?

Oh My Gay?Where stories live. Discover now