Oh My Gay III

355 7 1
                                    

[GRAE]

We're on our way to the library when someone steal my attention kaya na-estatwa ako. Ewan. Ang weird nang biglang magblurred yung buong paligid maliban sa kanya. Dinig na dinig ko rin ang pag tic tac tic tac ng wrist watch ko. What the hell is happening?

Siya lang ang nakikita ko. Isang babaeng naglalakad towards me. She's wearing a skirt na hanggang talampakan ang haba tapos pagnaglalakad siya, nakikita yung pang greek god niyang sandal, flat yun na parang tsinelas na maraming tali at white fitted long sleeves na blouse. May dala siyang tatlong libro sa kanang kamay at pamaypay naman sa kaliwa. Tila Maria Clara ng makabagong panahon.

Habang papalapit siya ng papalapit, mas lumilinaw ang maamo niyang mukha. Mala-anghel at hindi makabasag-pinggan.

"mukhang may bago na akong tatrabahuhin, ayoko na kay Red." Bulong ni Jio na nasa likod ko.

"Anong bago? Eh si Red parin yan oh!" - Foul

Sabay sabay kaming napatitig dun sa babae.

"What the hell..."

"Hi, Grae." Malumanay niyang sabi. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya samin.

Umamo yung mukha niya kaysa nung dati. Curly kasi ang dulo ng maiksi nitong buhok dati, hindi tulad ngayon na bagsak at tuwid na.

"Uhh..."

Binalingan niya naman ng tingin yung tatlo sa likod ko at nginitian.

"Hi... Jio, Vin at Foul." Kalmado ang boses niya. Ang sarap sa tainga-- TEKA, WHAT?

Lumapit siya sakin at inayos ang salamin ko sa mata. Ano bang ginagawa niya?

"Ano, Grae? Pwede na ba akong ideal girl mo?" Nakakaloko siyang ngumiti at mahinhing tumawa habang nakatakip ng pamaypay yung bibig niya.

What!?

*flashback*

"Ano ba ang ideal girl mo?"

Binasag niya ang katahimikan/ka-awkwardan namin sa tanong na yun. Nag lean pa siya palapit para makinig sa magiging sagot ko.

Lumayo ako ng kaunti. Sinabi ng ayoko ng malapit.

At dahil kanina pa ako bore na bore, hndi naman masamang sumagot sa tanong niya, diba? "Simple lang naman yung gusto ko." Teka, pagtripan ko kaya to?

"Ang gusto ko sa babae...

yung MAS mahinhin, MAS mabait, MAS conservative, MAS matalino at MAS maganda kaysa sayo."

Kitang kita ang dahan-dahang paglukot ng mukha at pagsalubong ng mga kilay niya. "Okay." Nakapout siyang nag crossed arms at tumalikod sakin.

Ako naman, pigil na pigil sa pagtawa.

*end of flashback*

Oh My Gay?Where stories live. Discover now