That Gay--Guy

510 16 4
                                    

GRAE

"Pre! Nahahalatang mo bang may gusto sayo yung Maxine Red?"

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang pangalang 'yon.

Naalala ko tuloy 'yung nangyari sa room, last week.

Hindi ko alam kung anong sumapi sakin non, nakakahiya slash nakakatuwa. Haha!

"Yeah." Walang ganang sagot ko.

Naglalaro kasi ako ng LOL, ayoko ng magulo.

"Bakit hindi mo ligawan? Siya na ang babaeng sagot sa problema mo."

Napaisip ako.

Tama. Kung magiging girlfriend ko siya, sagot yun para ipaalam sa campus na hindi talaga ako bading.

Pero, in the other side, wala naman akong paki kung sabihin ng iba na bading ako dahil hindi pa ako nag kakagirlfriend once.

Napakamanghuhusgang lipunan 'di ba?

Isama mo pa yung ate kong mapanira.

Pero maganda nga 'yun para makafocus ako sa studies ko.

Walang girls, walang distraction.

At walang kaso sakin 'yun dahil kilala ko naman talaga ang sarili ko.

Straight ako.

At pervert.

"Oy Grae nakikinig ka ba?" Napakurap ako nang tawagin ako ni Vin.

Nilingon ko siya. "Ano ba yon?"

"Sabi ko, kung ayaw mo kay Red, balato mo na sa'kin!" Sabi niya na nagpainit ng ulo ko. Aba malay ko ba kung bakit.

"Babaero ka talaga!"

"Matagal ko na yung lihim na minamahal eh, back off Vin!" Singit ni Jio. Isa ko pang kaibigan.

Aba, hindi ko yun alam ah.

"Teka? Kelan niyo pa kursunada si Red?" Tanong ko.

Oh My Gay?Where stories live. Discover now