Oh My Gay IV

451 18 13
                                    

"Hello, Kuya?" Palabas na sana ako ng campus dahil maagang nagdismiss ng klase si Mam nang tumawag sakin si kuya

[Hmm..]

"Oh ba't ka napatawag?" Tanong ko.

Naisipan kong umupo muna sa may bench ng basketball court dahil may mga gwapong naglalaro. Ayoko muna palang umuwi.

[Hm... Usap tayo bunso *hik*] wait, lasing ba siya?

"Lasing ka na naman!? Nasaan ka!?"

[Kalma... Sa... Hmm.. Bar ako ni *hik* Pete *hik* sunduin mo 'ko...] Doktor na lasinggero ang kuya ko, oo na.

"Diba ayaw mong pinapapunta ako diyan?" At kahit kailan, hindi pa ako nakakapasok ng bar dahil hindi siya pumapayag. At ayoko rin naman.

[Chige na...]

"Magpahatid ka nalang kay Kuya Pete."

[Ayaw. Sunduin mo koooo...]

Tsk. Ano pa nga bang magagawa ko? Mahi-hindi-an ko ba ang taong since birth eh inalagaan ako. Naalala ko tuloy nung first time kong nagka-period, halos umiyak na siya dahil hindi nya alam gagawin. Bakit daw may dugo.

"Oo na! Wait mo 'ko dyan."

[Okaaaaay. I love you babyyy!]
Ganito siya kapag lasing. Nagiging instant mapagmahal.

"Oo na, I love you too."

[Hindi ko marinig..]

"I LOVE YOU TOO, OKAY?" Para akong tanga dito na sisigawan ko cellphone ko.

[Muah! Bye, bunso. Dalian mo ha, may sasabihin ako sayooo] in-end niya na yung call.

Ako naman tong hinayang na hinayang na lumabas ng campus at nag abang ng taxi.

Sayang yung mga fafa sa court.

[GRAE]

"I LOVE YOU TOO, OKAY?"

She's so desperate na maging ideal girl ko, tapos may mahal na pala siyang iba?

Dumaan ako sa court para hanapin si Foul. Pinapatawag kasi siya ni Dean. Lagi akong nasa library at tropa ko siya, kaya ako ang nautusang tumawag.

Sakto namang nandito si Red na may kausap sa telepono. Hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi niya. Sadyang malakas lang talaga ang pagkasabi niya ng I LOVE YOU TOO dun sa kausap niya sa kabilang linya.

Ganito pala ang mga timer na babae. Gusto maraming lalaki, tsk.

"Ayos mukha tol."

"Bakit parang pinagsakluban 'yang mukha mo?"

"Wala! Gago. Pinapatawag ka sakin ni Dean, bagsak ka raw." Pananakot ko. Hindi naman talaga siya bagsak, tinatakot ko lang.

"SERYOSO!?" mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo siya pa-library.

[MAXINE RED]

"HINDI MO BA NAKIKITA, MISS? BAWAL NGA ANG ESTUDYANTE DITO."

"Kuyang guard, ilang beses mo bang gustong ulitin ko sa'yo na SUSUNDUIN KO NGA LANG YUNG KUYA KO DIYAN SA LOOB?" feel ko, twenty times inire tong si kuya guard.

"Naka-school uniform kasi kayo mam. Mahigpit na ipinagbabawal po yun." I understand, pero talagang kailangan ko ng iuwi si Doktor dahil grabe mag-suka yun. Mamaya, ako pa ang paglinisin ng suka niya sa loob eh.

"Kuya, alam mo, tawagan mo na lang yung may ari na si Pete Marquez at ipahatid mo dito sa labas yung kuya ko. Magtropa yun sila, maniwala ka."

Tinawagan niya naman ito at mabilis na nagbago ang reaksyon.

"Naku mam, sorry po. Sige po sunduin niyo nalang daw po yung kuya niyo sa loob."

"Aha! Oh diba? Sabi ko sayo kuya eh!" Naghighfive ako sa kanya bago pumasok ng bar.

Ang baho! Ang usok! Nakakaloka, nakakahilo at nakakasuka.

Nakatatlumpung ubo ako bago ma-reach ang counter kung saan ko natagpuan ang nakahandusay na doktor. Hindi halatang lasing na lasing siya dahil nakahiga lang naman yung upper body niya sa counter. Curious talaga ako sa kuya ko kung doktor ba talaga siya o ano. Naka coat pa siya nung pang-doktor kaya nakakahiya sa propesyong 'yon ang ginagawa niyang pag inom.

"Hmm.. Oh, hi.. Baby..." Binatukan ko siya kaya medyo nahimasmasan. "Lasing ka na naman, Maxwell." Pangalan niya lang minsan ang tawag ko sa kanya kapag lasing siya. Nababatok batukan ko din siya dahil hindi niya naman naaalala yun pag gising niya.

"Tara na uwi na tayo." Umakbay siya sakin. Hawak ko naman ang bewang niya dahil mukhang paplakda siya kapag pinalakad ko siya mag-isa.

...

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Maxine... I.. love you.. so much..."

"Ang cheesy mo Maxwell Red, kadiri."

"Eh sa mahal ko kapatid ko eh." Katuwiran niya.

Okay, lasing siya eh. Pagbigyan!

"Gwapo ko no?" Hinawakan niya yung pisngi ko at iniharap sa kanya yung mukha ko.

"Kape gusto mo? Kabahan ka naman." Tumawa siya pero muling sumeryoso.

"You know what? You're the only girl in your kuya's life..." Mukha siyang nag coconfess kaya mas lalo akong nandiri. Sobrang lasing ba siya kaya ganito siya kalala?

"...but not anymore."

"Ha?"

[MAXWELL]

"I have a girlfriend now. Dalawa na kayo sa buhay ko, baby..." Dahan dahan kong sabi dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Kumunot ang noo ni Maxine na mas ikinakaba ko.

"She's Astrid. Assistant nurse ko. Two years ko siyang niligawan and she finally said yes. I... I'm so inlove with her." Nag pause ako saglit at nagsalita ulit. "Please don't be mad, Max."

Tahimik lang siya at tila gulat na gulat sa sinabi ko.

"Bunso?"

Tumitig siya ng matalim sakin.
"At hindi ka manlang nag-abalang sabihin sakin na may nililigawan ka FOR TWO FVCKIN' YEARS!? HA, MAXWELL!?"

Oh, God. She's mad.

"I'm sorry, baby."

"Totoo ba talagang may girlfriend ka na?"

Tumango ako bilang sagot.

"GRABE KA KUYA! DAPAT SINABI MO SAKIN PARA HINDI NA UMABOT PA NG TWO YEARS! KUNG NAGPATURO KA SANA SAKIN AT GINAMITAN MO NG HOKAGE MOVES YAN, BAKA TWO WEEKS PA LANG EH NAGPAKASAL NA YAN SAYO. TSK, TSK, SAYANG!"

"What the hell?"

"What the hell ka diyan."

"Hindi ka galit?"

"Bakit ako magagalit? Super duper ultra mega ang saya ko! Oh em gee! Akala ko beki ka na dahil NGSB ka! Praise the Lord!" Niyakap niya ako at nagtatatalon na parang nanalo sa lotto.

"So... Hindi ka rin nagseselos?"

"Bakit ako magseselos? Payo ko talaga sayo kuya, mag kape ka."

Diba ganun naman yun? Yung mga little sister, nagseselos sa girlfriend ng mga big brothers nila? Bakit siya, hindi!? Ughhh! "Dapat mag selos ka diiiiiin!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My Gay?Where stories live. Discover now